Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Canlas Ogie Diaz

Elijah ibinida pagtataray sa kanya ng isang veteran actor

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKARANAS na pala si Elijah Canlas ng hindi magandang treatment mula sa isang veteran actor na nakatrabaho niya sa isang project. 

Natanong kasi ni Ogie Diaz si Elijah nang mag-guest ito sa kanilang Youtube channel ni Mama Loi na Showbiz Update, kung nakatikim na ito ng pagtataray mula sa isang artista. At ikinuwento ng binata na mayroon na nga mula sa isang veteran actor.

Ako, sa isang eksena mayroong isang artista sa tent po, ‘di ba lalaki at babae?Pagpunta ko roon sa tent nakalabas ‘yung upuan ko, nakalabas ‘yung bag ko.

“Sa isip ko, ‘anong nangyari?’  Pagkapasok ko ‘yung PA (personal assistant) lapit kaagad sa akin, ‘allergic si sir sa mga tao.’

“Ha? Allergic sa tao? Buti na lang pinag-stay ako sa girl’s tent. Pinalayas kami sa tent dahil allergic daw sa tao.

“Tapos makikita ko ‘yung mga article niya ngayon na (nagsasabing) ang kabataang artista walang respeto sa mga senior (actors). Eh, gusto kong sabihing, ‘ikaw ‘yun, eh,’” natatawang kuwento ni Elijah na halatang iritable.

Patuloy niya, “Eh, ikaw ‘tong pinalayas mo kami sa tent wala naman kaming ginawa sa ‘yo!”

Nasundan pa pala ang pagkainis ni Elijah sa veteran actor nang ikabit niya ang lapel niya sa dibdib at hinampas nito ang kamay niya. 

Ang sabi raw sa kanya, “Huwag mong ginagalaw ‘yan.’

“Gusto kong sagutin na, ‘ngayon ko pa nga lang inilalagay hindi ko ginagalaw kakalagay ko pa lang.’  Hindi ko alam kung anong galit niya sa buong set na ‘yun.

“Hindi ko po makalimutan ‘yun kasi at that time parang pasuko na ako niyon, eh. Nakatulong sa pag-quit ko na (sa show). Hindi ko na kasi gusto ‘yung nangyayari sa akin tapos ganito pa ‘yung treatment, so ‘wag na lang ako umarte.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …