Thursday , December 26 2024
Ez Mil Sarah Geronimo Nadine Lustre Gerald Anderson

EZ MIL keri sumabak sa pag-arte; Sarah, Nadine, Gerald gusto makatrabaho

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI itinago g 23 year old Phil-AM musician na si Ez Mil na interesado rin siyang pasukin ang pag-arte bukod sa pagiging rapper.

Sa isinagawang press conference para sa kanyang Du4li7y album mula Virgin Records kamakailan, sinabi ni Ez Mil na gusto rin niyang subukan ang pag-arte at nabanggit na interesado siyang makatrabaho si Sarah GeronimoNadine Lustre, at Gerald Anderson.

Yes po I would like to (act) if anybody got a movie who has a crazy person role, I’m okey,” anang anak ng dating singer na si Paul Sapiera nang matanong kung interesado rin itong pasukin ang pag-arte.

“At gusto ko horror. Sino ba queen of horror dito?” dugtong pa ni Ez Mil nang matanong kung anong klaseng movie ang gusto niyang gawin.

Sa kabilang banda excited si Ez Mil sa pagbabalik-‘Pinas na anim na taon palang hindi nakauwi.

Masaya ako na first time na magpe-perform ng shows sa lupang sinilangan at para sa taong bayan para marinig nila lahat ang mga bagong kanta. Kasi kaunti pa lang ang nailabas so far three songs and you just witness the fourth one na kasabay ng Du4li7y (Duality) album ko.

Andito na po sa Pilipinas (album) para sa tour of course this event makasama kayong lahat to witness the actual realease of Du4li7y. Na ang kapatid ko ang nag-illustrate ng cover ng album,” very proud na pagbabahagi pa ni Ez Mil sa kanyang album.

Sinabi ni Ez Mil na taon ang ginugol niya sa pagbuo ng album dahil, “This it is not a regular project that I used to make and it take three years within the creation of the entire project because of the some changes. And iba rin talaga.”

Idinagdsg pa ni Ez Mil sobrang proud siya sa album na ito. “Ang dami ring intended na number of songs for the album because that’s what I’m usually used to do. ‘Yung parang maraming kanta, maraming pagpipilian ang mga makikinig pero hindi nga ito sobrang tight knit ng istorya. It’s a lot more vague pero mas na-focus siya sa musicality kaya roon po ako pinaka-proud sa project na ito.”

Lahat ng 10 kantang nakapaloob sa album ay konektado.  “If you listen to all titles sa song no 1-10 lahat ‘yan konektado pero ‘yung istorya parang vague na talagang mapapa-pay attention ka sa lahat ng ginagawa sa audio o sa anumang naririnig,” paliwanag pa ng musikerong ipinanganak sa Olongapo na nag-migrate sa US at kasalukuyang naninirahan sa Las Vegas, Nevada.

Nasa Pilipinas si Ez Mil para mag-perform ng mga kanta niyang bago at saka para mai-promote rin ang album,”and just to be with family as well ang tagal na rin kasi. Six years na since ‘yung last na uwi ko sa Pilipinas kaya masaya lang makauwi at makihalubilo sa mga kamag-anak, kaibigan, sa inyo.”

Aminado si Ez Mil na hindi naging madali ang buhay nila noong bago sila sa Amerika pero ngayon ay okey na ang lahat.

Natanong pa si Ez Mil kung desisyon niya bang mag-iba sa musika ng kanyang ama? “Dumepende sa generation namin kasi ‘yun ang nakahiligan niyang music and ‘yun ang ginawa niya sa kanyang career. Ako naman iba ang generation na kinalakhan ko at kung ano ang nagiging tipo ng mga tropa and I just say what would inspire me.

“My dad he’s genra is like soft rock, pop rock somehting like that, pero minsan may iba siyang influences. Ako naman parang I would say ginagamit ko kung ano man ang mga genra to score whatever story na gusto kong ipalabas sa mundo. And I guess as a choice hindi siya masyadong choice kung ano lang ang nasa puso ko ilalatag ko sa studio, sa kuwarto o sa anumang free time na naisusulat ko.”

At ukol naman sa kung may pinanggalingan ba ang paglalagay niya ng mga kantang nakilala at napakinggan na tulad ng Stairway to Heaven sa isa niyang kanta, ito ang kanyang paliwanag.  “Ang ‘Stairway to Heaven’ hindi ko siya inilabas bilang totong kanta kasi andoon lang iyon sa Youtube channel. Ginamit ko lang ‘yun kasi nag-rap lang ako roon sa melody. Nilagyan ko ng rap beat and then sa dulo niyon parang pinromote ko lang ‘yung first album kung nasaan ang ‘Panalo.’  And I would say I’m heavily inspired by sampling when it comes to hiphop ‘yung kukuha ka ng ibang kanta ng tao tapos gagawin mong hiphop pero of course it’s too much of a copy right issue if I were to release it for myself, pero sa mga gustong marinig ang full song just let me know.”

Ang Du4li7y ay 2nd album na ni Ez Mil kasabay ang pagpo-promote ng single na Ridin with the Moonlight kasama ang video  under FFP Records at ipinamamahagi ng Virgin Music/UMG.

Kasama rin sa album ang mga awiting Rapture, Can U Keep A Secret, Spinning, Up Down, Greed, Will You at iba pa.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …