SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
ANG mister ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano ng naatasang magdirehe ng kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 25.
“I am grateful and honored for this rare opportunity. Anytime the President needs me, I will deliver and do my best,” ani direk Paul sa panayam ng ABS-CBN at sinabing simple at traditional ang gagawin niyang pagdidirehe.
“It will be simple and traditional and will focus on his message,” dagdag pa ng direktor.
Nagsimula na ang kanilang pagre-rehearse kasama ang Pangulo noong Linggo kasama ang Radio Television Malacanang (RTVM). Makakatuwang ni direk Paul ang kanyang long-time creative collaborator na si Odie Flores, isang cinematographer.
Ani Direk Paul, “The President is hands-on in the crafting of his speech which will be concise, clear and direct to the point.
“The real challenge is for the public to hear him well. After all, this is a two-way process where listening skills is important to hear his message,” anang direktor.
Sinabi pa ni direk Paul na magiging mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols sa buong venue ng SONA na inaasahan ang pagdalo ng 1,300 katao.
Tiyak na ang pagkanta ng isang Ilocano choir group ng National Anthem sa unang SONA ni PBBM.