Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Caloocan

19 kaso ng rape
TOP MOST WANTED SA ILOCOS NORTE HULI SA KANKALOO

HINDI nakapalagang isang lalaki nang dakpin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nakatala bilang top 8 most wanted  person (MWP) ng Ilocos Norte na may kinakaharap 19 kaso ng panggagahasa, sa isinagawang Oplan Pagtugis sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Rodrigo Rafael, alyas Jay-Ar Rafael, 39 anyos, electrician, residente sa Purok 5, Sitio 4, Vanguard, Area D, Brgy., 178, Camarin, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang CIDG RFU NCR tungkol sa pinagtataguang lugar ng akusado sa Caloocan City kaya’t nagsagawa sila ng validation sa naturang lugar para alamin ang hinggil sa nasabing ulat.

Nang mapatunayang positibo ang report, bumuo ng team ang CIDG sa pamumuno ni P/Lt. Col. Calvin Cuyag, kasama ang mga tauhan ng 83rd Coy, RDB, PNP-SAF sa pangunguna ni P/Maj. Rudy Peang, RID PRO1, PIU Ilocos Norte, Banna MPS, TPU Ilocos Norte at mga tauhan ng Carasi MPS, INPPO sa pangunguna ni P/Lt. Cheryll Cacayorin saka isinagawa ang joint manhunt operation dakong 5:30 pm, na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa tinutuluyang bahay sa Caloocan City.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 17 Setyembre 2003 ni Judge Conrado A. Ragucos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 16, Laoag City, Ilocos Norte sa 19 kasong Rape. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ang akusado ay kabilang sa mga most wanted persons na may patong sa ulong P.3 milyon sa ilalim ng DILG Memorandum Circulars, may petsang 9 Pebrero 2022 para sa Region 1. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …