Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Muling Buksan ang Puso, consistent sa bilis at kalibre (Kahit patapos na…)

MARAMI ang nanghihinayang na malapit na ring magtapos ang Muling Buksan ang Puso. Paano’y paganda ng paganda ang takbo ng kuwento ng teleseryeng ito na pinabibidahan nina Julia Montes, Enrique Gil, at Enchong Dee. Ang sabi nga ng mga nakakapanood, isa na ito sa mga teleseryeng pinakamalibis ang pacing. Kaya naman wala kaming nakikitang paglaylay sa kuwento nito.

Bagamat ipinakita na nga sa teaser ng teleserye na malapit na itong magtapos, nakagugulat ang pagpasok ni Christopher de Leon bilang Anton. Sa totoo lang, nakaiintriga ang role na ginagampanan ni Boyet. Siya pala ang lider ng sindikatong napasukan ni Leonel (Enchong). At nakagugulat na roon din pala nagtatrabaho si Jestoni Alarcon.

Tunay na hindi nakakasawang panoorin ang Muling Buksan Ang Puso, ibang klase talagang gumawa ng mga teleserye ang Dreamscape Entertainment.

Noon pa man, nilinaw na ng Dreamscape ng ABS-CBN na sadyang one season lamang ang naturang teleserye kaya nakatitiyak na lalong matitindi pa ang mga eksenang mapapanood sa mga huling linggo ng MBAP.

Tiyak na may mga bagong rebelasyon pa ang mabubulgar sa iba’t ibang karater ng MBAPkaya tutok lang po. At siyempre pinupuri rin namin ang iba pang casts na kaya lalong gumaganda ang Muling Buksan ang Puso tulad ng mga veteran actor na sina Susan Roces, Pilar Pilapil, Dante Rivero, pati na rin sina Cherie Gil, Agot Isidro, at ang super kuwelang si Danie Fernando.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …