Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jane de Leon Iza Calzado Darna

Jane at Iza pinag-usapanTrailer ng Darna 4 millions views agad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

UMANI agad ng 4 million views ang views sa social media at sunod-sunod na papuri mula sa netizens ang official trailer ng Mars Ravelo’s Darna series ng ABS-CBN Entertainment na inilabas noong Huwebes (July 7) ng gabi. Patunay na todo na ang excitement ng netizens para mapanood ito sa telebisyon.

Pumalo agad ng 1 milyong views sa Facebook apat na oras simula nang in-upload ang 3-minute video clip at patuloy na pinapanood ng netizens kaya’t mayroon na itong higit sa 3 million views wala pang isang araw nang ito ay ilunsad. Mayroon na rin itong higit sa 700,000 views sa Twitter at 700,000 views sa YouTube sa kasalukuyan.

Tampok sa inaabangang trailer ang pasilip sa buhay ni Jane De Leon bilang Narda, ang pag-eensayo niya kasama ang First Darna at ina na si Leonor na ginagampanan ni Iza Calzado, at ang karanasan ni Narda tungo sa pagiging makabagong Darna

Napanood ito pagkatapos ng TV Patrol at uploaded din sa social media accounts ng ABS-CBN Entertainment.

Nanguna naman ang hashtag #DarnaTrailer sa trending list ng Twitter Philippines at patuloy na nagti-trene sa kasunod na araw. Kasama rin sa mga pinag-usapan sa Twitter sina Joshua GarciaJanella Salvador bilang Valentina, at Iza.

Umani rin ng positibong reaksiyon ang trailer sa social media. Sabi ni Twitter user @lovemeorhateme, “Ganda…pinaghandaan tlga… worth it sa paghihintay sa #Darna.” 

Ayon naman kay @pcspaule, “Iba din ang #DarnaTrailer. Aabangan ito. Jane De Leon is perfect for the role, galing ng casting. Ang Iza Calzado, wow!”

Nakasungkit din ng maraming papuri ang trailer sa Facebook dahil sa bigating visuals na ipinakita nito. Comment ng KPex Official, All the hype leading to this trailer makes sense. The cinematic visuals, the intense drama, the handsomely-choreographed action sequences, & the entire new vision of this new adaptation simply make Darna extra-ordinary.”

Binigyan din ang trailer ng thumbs up ng netizens sa YouTube at pinuri ang karakter ni Narda. Sabi ni Master Bait, “Narda pa lang palaban na… not the usual Narda na mahirap, mahina, may kapansanan…the modern Narda . . . And this series really gives our frontliners their time to shine!”

Isang araw bago inilunsad ang nasabing trailer, pinag-usapan din sa social media ang “mala-Hollywood” teaser poster ng Darna na tagumpay sa paghiyakat na abangan ang latest sa programa. Sabi ni Dan Ramirez sa Facebook, “Can we talk about this Hollywood caliber poster??? ABS-CBN ate and left no crumbs???? The Darna silhouette!??? The snake foreshadowing Valentina??!!? The ruins resembling Darna’s head dress?!?!”

Nakatakda nang ipalabas ang serye sa Agosto. Pinangungunahan ito ni Master Director Chito S. Roño kasama ang iba pang director na sina Avel Sunpongco at Benedict Mique sa ilalim ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN.

Samantala, mauunang lumipad si Jane patungong TOYCON PH 2022 kasama ang co-stars niyang sina Joshua at Zaijian Jaranilla. Bibisita sila sa huling araw nito at inilunsad ang official Darna poster kahapon (July 10), 2:30 pm sa Megatrade Hall ng SM Megamall. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …