Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas

Alfred isisingit paggawa ng series at movies 

I-FLEX
ni Jun Nardo

IPAGPAPATULOY ng kapatid ni Councilor Alfred Vargas na si Congressman PM Vargas ang mga plano niyang natigil para sa workers sa movie industry gaya ng tax incentives, holidays at iba pa.

Matapos ang local campaign, relax mode muna si Konsi Alfred bago sumabak sa local legislation at kapag maluwag ang schedules, gagawa ng isang TV show at movies.

Marami akong nakaimbak na scripts. Bukod sa acting, love ko ring mag-produce. It doesn’t matter kung streaming o sa sinehan ang showing nito. Basta gusto kong gumawa ng movies para makatulong,” pahayag ni konsi Afred nang makausap namin.

Para sa akin, basta bumalik lang ang puhunan, ok na. Hindi ko naman kailangang kumita nang malaki. Huli kong ginawa ‘yung ‘Tagpuan’ at maayos naman ang kinita namin sa movie na ‘yon lalo na sa international awards,” rason ng konsehal na 12 years na sa public service.

Isa sa gusto niyang makapareha sa movie ay si Sanya Lopez and soon, magkakaroon siya ng cameo role sa GMAseries na Unica Hija ni Kate Valdez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …