Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

General manager ng MRT/LRT na si Al Vitangcol III nakabalik na sa pwesto (Ang bilis naman?!)

00 Bulabugin

OY Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) General Manager Al Vitangcol III nariyan ka na pala ulit sa MRT.

Kumbaga, ‘here I am again’ matapos ang matagumpay na pagha-HIBERNATE at PAGPAPALAMIG sa isyu ng ‘EXTORT TRY’ sa Czech train manufacturer na Inekon Group.

Kung ating matatandaan, mismong si Czech Ambassador Josef Rychtar ang nagsumbong kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, na ang Inekon ay inilagay sa blacklist nang tumangging magbigay ng grease money.

Ang pinag-uusapan na grease money dito ay nagkakahalaga ng P3.769 bilyones para sa supply ng 48 light rail vehicles (LRVs).

Hindi ba’t nakaladkad pa nga rito ang pangalan ni presidential sibling ate Balsy Aquino Cruz?!

Anyare?!

Bakit ngayon ay nakabalik nang alang kaabog-abog at prenteng nakakuyakoy na naman sa kanyang tanggapan si Vitangcol?!

Gusto yatang maniwala sa minsa ay naibulong sa akin na si Vitangcol  ay ‘MARAMING ALAM’ sa mga nagaganap na ‘IREGULARIDAD’ sa loob ng kompanya.

Baka bigla nga namang maging ‘whistleblower’ si Vitangcol ‘e mabuyangyang kung sino ang nagkakamal sa napakalaking pondo ng MRT pero nabubulok ang serbisyo.

Hindi kaya mauga sa kanyang kinauupuan si Secretaray Abaya kapag nagkaganoon?

Ano sa palagay mo SILG Mar Roxas?

IMBES UMUNLAD LALONG NABUBULOK  ANG SERBISYO NG MRT/LRT

TALAGANG nagtataka tayo sa mass transport system natin sa bansa lalo na ang sistema ng MRT/LRT.

Araw-araw ay nag-aakyat ng kamal-kamal na salapi ang MRT/LRT sa pambansang kaban ng bansa.

Pero nagugulat tayo sa mga ulat na nalulugi raw ang MRT/LRT kahit na nga araw-araw ay punong-puno ng pasahero ang coaches nila.

Paanong malulugi ang isang kompanya na mayroong subsidyo ang gobyerno at mayroon pang pumapasok na pera araw-araw?!

Ibig sabihin lang, mayroong iregularidad na nagaganap sa MRT/LRT …

At ibig lang din sabihin na mayroong pangangailangan na na isailalim sa masusing pagsusuri ng Commission on Audit  (COA) at isailalim rin sa LIFETSYLE CHECK ang mga opisyal n’yan pati na ang mga top brass ng Department of Communication and Technology (DoST).

O ‘di ba, Secretary Abaya?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …