Monday , December 23 2024
Miel Pangilinan

Miel ‘di pinalampas pang-iinsulto ng netizen sa ginawang paglaladlad 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KARUGTONG ito ng naibalita natin tungkol sa paglantad ni Miel Pangilinan na proud member siya ng LGBTQIA+ community. Sa pag-amin na ito may mga natuwa at mayroon din namang hindi, expected na natin ‘yan. May mga humanga sa katapangan at pagpapakatotoo ni Miel.

At siyempre sa mga hindi nagkagusto sa pagtatapat ng bunsong anak na babae nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, asahan ang pamba-bash. Pero hindi iyon nakaligtas sa kapatid ni Miel na si Frankie at sinagot niya ang  komento ng netizens na nagsabing sana raw ay “fake news” ang balita tungkol sa pag-amin niya ukol sa kanyang gender identity.

Anang netizen, Bash me, honestly upon reading this, my heart breaks. (broken heart emoji). Sana fake news lang ito. But I commend you @mielpangilinan for being so brave to come this early.”

Sa pamamagitan ng Twitter account, ipinost ni Frankie ang screenshot ng naging reply ni Miel sa nasabing netizen kasabay ng panawagan sa lahat ng mga taong ginawa nang pulutan sa social media ang kapatid.

Ani Frankie, “Pls give yellie some love today if u can! there are some homophobes in her inbox and mentions upset abt her pride post.”

Ito naman ang tugon si Miel at nagsabing tila nakaiinsulto ang tinuran ng netizen,“This early?? Lmaoo (laughing my ass off obviously). I’m so sorry your heart is broken but unfortunately it’s true, I am queer.

“I’m so sorry you think that news like this is heartbreaking to you, but it isn’t to me. I am so sorry that the news of my coming out is so painful for your heart to bear.

 “The fact that you’re wishing that my COMING OUT is fake news is insanely offensive to me.

“No amount of your commendation of my bravery will cancel out the fact that you wish I wasn’t actually queer—which doesn’t change anything, anyway.

“Your approval whether I have it or not literally does not matter to me,” giit na sabi pa ni Miel.

“I truly hope that you learn to be a more tolerant person and if you don’t you have no place in my comments section or in any of the communities I’m a part of.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …