Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga Franki Russell Luis Manzano

Diego nag-ala ‘Lucky Manzano’ sa mga netizen

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang interview ni Diego Loyzaga ay idinenay niya na karelasyon ang dating Pinoy Big Brother housemate na si  Franki Russel kahit pa spotted sila na magkasama sa isang resort noong nakaraang buwan.

May mga larawan din silang magkaakbay at magkalapit ang mga mukha.

Pero ayaw maniwala ng mga netizen na walang namamagitan sa dalawa.

Sabi nga ng isang netizen, “Ang bilis mgpalit ni diego parang damit lang [laughing in tears emojis]” 

Ang huling nakarelasyon ni Diego ay si Barbie Imperial.

Sa comment na ‘yun ng netizen ay  sinagot ito ng pabalang ng anak ni Cesar Montano.

Sabini Diego, “alangan naman wag ako magpalit ng damit? Same brief, isang taon ba dapat? Butas butas na siguro mga brief mo tol [face with peeking eye emoji]”

Isa pang netizen ang sinabihang “baliw” si Diego dahil itinanggi nitong girlfriend si Fanki.

Sabi ng netizen: “baliw dineny mo nga. as friend lng kayo”

Tugon ng aktor: “ano gusto mo, kasal na kami?”

O, ‘di ba, gaya ni Luis Manzano ay palapatol din sa bshers si Diego.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …