HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’, nagpaiwan si national team chef de mission Ramon Fernandez para irepresenta ang Philippine delegation nung Lunes para sa ‘closing rites’ ng 31st Vietnam Southeast Asian Games sa My Dinh National Stadium. Halos lahat ng PH team members ay nakauwi na sa bansa.
Sinamahan si Fernandez ng kanyang deputies na sina Carl Sambrano at Pear Manguelod ng rollersports at muay thai, ayon sa pagkakasunod, sa pagtitipon ng mga atleta na isasara ni Vietnam Sports, Culture and Tourism Minister Nguyen Van Hung. Naroon din sa event ang Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh, na siyang aapula sa Games Flame, habang ibinababa ang kurtina ng 31st edition ng biennial sports na lumarga sa Vietnamese capital at kalapit na probinsiya.
Ang Southeast Asian Games Federation flag ay ibababa at ipapasa sa representantante ng Cambodia na siyang magiging susunod na host ng 32nd SEA Games sa Cambodian capital na Phnom Penh sa May 2023.
Ang regional meet ay dapat lumarga nung nakaraang Nobyembre pero na-delayed nang anim na buwan dahil sa panganib ng Covid-19 na sumagasa sa rehiyon. Lubos ding naapektuhan ang kampanya ng Pilipinas dahil sa virus kaya lumalaylay ang ating kampanya na may 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals, ayon kay Fernandez.
Gaya nang inaasahan, ang Vietnam ay lumarga nang husto sa unahan sa overall honors na may 205 gold, 125 silver, at 116 bronze medals, pangalawa ang Thailand na may 92-103-136 at third ang Indonesia na may 69-91-81.
“We finished fourth place among 11 brother-countries in the region. This is our best finish since 1983 ( in the Singapore SEA Games when we placed second to Indonesia) in a SEA Games event outside the Philippines,” pahayag ni Fernandez. “As Chef de Mission, I am truly very proud of this feat! Just as I thank my Philippine Sports Commission family headed by Chairman William Ramirez for their all-out support,” dagdag pa ng PSC commissioner.
“To Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino, maraming salamat po for giving me the honor to head the delegation. To my deputy CDMs Pearl Managuelod and Carl Sambrano and to everyone who contributed one way or the other, daghang salamat,” pahayag ni Fernandez. “This was an enlightening and educational experience for yours truly. We fought as one and won as one! Mabuhay ang atletang Pilipino!”
Isa sa huling trabaho bilang head ng Philippine delegation, ang PSC official ay dumalo sa final CDM meeting nung nakaraang araw na nagpasalamat si Cambodian CDM Soksival Nhan sa Vietnamese organizers para sa ipinakita at ipinadama nilang mainit na hospitalidad sa pagpapatakbo ng Games. “Nhan extended his personal invitation in welcoming all of the other 10 participating countries to the 32nd SEA Games in Phnom Pehn next year,” sabi ni Fernandez, dagdag pa niya na mananatili pa rin siya sa Hanoi hanggang sa araw na iyon para masiguro na ang lahat ng PH team members ay ligtas na nakauwi sa ‘Pinas bago pa siya sumakay sa eroplano pabalik sa Manila.