Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KD Estrada Alexa Ilacad

KD kay Alexa — She’s a girlfriend material

MA at PA
ni Rommel Placente

AMINADO sina KD Estrada at Alexa Ilacad na ayaw muna nilang lagyan ng label kung anuman relasyong mayroon sila ngayon.

Sabi ni KD, “We see each other as partner material talaga, for long term. But right now, especially with our busy career, with our busy schedule, we don’t want to put a label. It’s gonna be high maintenance but I don’t mind naman maintaining her.

“I don’t know what’s gonna happen in the future. None of us know. But yes, Alexa is very, very girlfriend material.

“Gusto ko lang sabihin na alam ko na whatever happens, Alexa, she’s very important in my journey,” sambit pa ng binata.

Halos ganito rin ang sabi ni Alexa, aniya, hindi naman sila nagmamadali ni KD at mas gusto nilang mag-focus muna sa kanilang career dahil ayaw nilang sayangin ang mga dumarating na opportunities at blessings.

“Pero boyfriend material si KD at marami pa akong nadi-discover na magagandang qualities niya,” sabi ni Alexa patungkol kay KD.

Sina Alexa at KD ang pangunahing bida sa digital series na Run To Me, na napanood sa KUMU at  iWantTFC.

Hindi pa rin makapaniwala si KD na may series sila ni Alexa. Isa itong dream come true para sa kanya.

“Kasi naaalala ko dati, when I was young, parang nakikita ko lang ang mga kasama ko ngayon sa TV. I never thought na magiging artista ako. Seeing myself on the huge screen with Alexa, grabe, I made it this far,” sabi pa ni KD.

Ang loveteam nina Aexa at KD ay nabuo nang maging celebrity housemates sila sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. Ngayon ay isa na ang loveteam nila sa mga tinitilian at kinakikliligan ng mga fan. Sikat na ang loveteam nila, sa totoo lang.

Marami na silang grupo ng mga tagahanga hindi lang sa ‘Pinas kundi maging sa iba’t ibang bansa gaya ng KDLex United, ang mother group; KDLex Bermuda, KDLex Booster, KDLex Trends, KDLex Merch, KDLes Onair, KDLex Universe, KDLex NuevaEcija, KDLexPlubb, KDLex SGCrew, KDLex Batangas, KDLex Cebu, KDLex Hongkong, KDLex Protector, Titas of KDLex, Friends of KDLex7, KDLex Patrollers at nadaragdagan pa ito. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …