ANG inyo bang sahig ay good feng shui o bad feng shui?
Sa feng shui, ang sahig sa bahay o opisina ay mahalaga sa obvious na mga dahilan, hindi lamang nagdudulot ang sahig ng malaking bahagi sa visual impression ng lugar, ito rin ang very main foundation na iyong nilalakaran.
Ang tamang pagpili at paglalapat ng sahig ay maaari ring maging mainam na hakbang para sa guiding Chi, o universal energy sa buong bahay o opisina, at magsusulong ng good feng shui energy, habang ang hindi mainam na pagpili ng sahig ay kabaligtaran naman.
Sa punto ng enerhiya, ang sahig bilang inyong pundasyon, dapat na ito ay matibay at ligtas, dahil walang sino mang magnanais na magkaroon ng umuugang sahig.
Kaya paano bubuo ng good feng shui flooring, anong espisipikong tipo ng sahig, special arrangement, material o kulay?
Maraming tipo ng sahig, mula sa iba’t ibang kahoy katulad ng oak, maple, pine, walnut, fir, cherry, eucalyptus at bamboo floors hanggang sa laminated flooring, cork, carpet, tiles, linoleum, stone at marami pang iba.
May matatagpuang iba’t ibang sahig sa different finishes, patterns/grains at colors/stains, ngunit batid mo ba kung alin sa mga ito ang mainam sa inyong bahay o opisina.
Kung nais mo ng kahoy o laminate, kailangan bang malawak o makitid ang planks? Saan direksyon ito dapat o paano ito ilalatag? Mahalaga ba ito? Oo naman, upang makabuo ng good feng shui energy.
Gawing gabay ang basic interior design principles, at sundin din ang inyong gusto. Kailangan ding ikonsidera ang iyong lifestyle; kung mayroong maliliit na bata o pets, iwasan ang high gloss finish o white carpeted floors.
Lady Choi