Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lunch Out Loud LoL

Marites segment ng LOL nakaaaliw

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-ENJOY kami ng kaibigan at kasama sa panulat na si Melba Llanera sa guesting namin sa Maritest segment ng Lunch Out Loud (LOL)ng TV5 na napapanood ng tanghali mula Lunes hanggang Biyernes 

Si Aubrey Miles ang celebriry contestant that time at kami ni Melba ay kasama sa grupo ng Hanash ni Manash

Nakatutuwa ang segment na ito na parang Who Wants To Be A Millionaire? Ang question ay about showbiz at kapag hindi alam ng celebrity contestant ang sagot ay sa amin siya hihingi ng tulong.

Pero hanga kami kay Aubrey dahil halos alam niya lahat ang sagot. Hindi na nga lang niya itinuloy ang ibang katanungan baka kasi hindi niya na masagot at lilipad ang perang napanalunan niya na P30k. 

Hindi na siya umabot sa jackpot round. Okey na rin naman ‘yun na may nakuha na siyang malaking halaga. Sa mga susunod na episode ng Maritest segment ay magiging P75,000 na ang jackpot prize.

Ugaliin ninyong manood ng LOL at hindi lang sa kanilang Marites segment kayo mag-i-enjoy. Lahat ng segment nila ay magaganda at talagang pinag-isipan. 

Salamat kay Pao Mendoza, ang talent coordinator ng noontime show sa pag-imbita sa amin para maging bahagi ng Maritest segment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …