Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia bumilib sa tatag at determinasyon ni Arjo sa pagsabak sa politika

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PROUD mom ang multi-awarded actress at Beautederm ambassador na si Sylvia Sanchez nangpersonal na masaksihan ang opisyal na proklamasyon ng anak niyang si Arjo Atayde bilang nanalong Congressman ng District 1 ng Quezon City.

Sa panayam ni MJ Felipe, hindi  makapaniwala si Sylvia sa landslide victory ni Arjo.

“Parang hindi ako makapaniwala na siya na nga (ang nanalo). Lutang kumbaga. Hindi pa pumapasok lahat,” ani Sylvia.

Pero masayang-masaya siya sa tagumpay ni Arjo sa unang pagsabak sa politika. Bumilib din siya sa ipinakitang katatagan at determinasyon nito lalo noong panahon ng kampanya.

Laban eH. Buo ‘yung loob ni Arjo talaga na lalaban ako. At saka from the start sinasabi niya na, ‘Mommy, mananalo ako sa laban na ito!’ Ganoon siya from the start eh. Buo ‘yung tiwala niya sa sarili niya. Kasi ang nasa isip niya—tulong para sa mga tao. Kaya the more na sinusuportahan ko siya kasi sinasabi niya tulong at kita ko ‘yung puso niya para sa mga nasasakupan niya, hindi ‘yung sarili,” papuri ni Sylvia sa anak niya.

Ngayong nahalal na bilang public servant si Arjo, ibig sabihin ba nito ay itatabi muna nito ang pagiging aktor at showbiz career?

“Well, sinasabi naman niya na twice a year lalabas siya basta okay, gusto niya. Pero naka-focus siya right now dito (bilang congressman),” ani Sylvia.

Lubos din ang pasasalamat ni Sylvia sa Panginoon at sa lahat ng mga bumoto kay Arjo gayundin sa lahat ng mga sumuporta at nakasama nila sa journey ni Arjo sa pagka-congressman.

Parehong Beautederm ambassador sina Sylvia at Arjo pati na rin ang isa pang anak niyang si Ria Atayde. Kabilang ang Beautederm Corporation sa pangunguna ng CEO at President nitong si Rhea Anicoche Tan sa nagpaabot ng pagbati sa tagumpay sa halalan ni Arjo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …