ANG laki-laki pang balita na alam mo sensationalized naman. Itinakwil daw ng kanyang anak si Loren Legardadahil sa politika. Puwedeng nagkasamaan ng loob o nagkagalit, pero iyong sabihin mong itinakwil ang kanyang sariling ina ay napakabigat.
Hindi namin sinasabi ito dahil kandidato si Loren. Pero higit siguro sa pagiging isang politiko, si Loren ay isang television personality.
Kung kailan malapit na ang eleksiyon at saka may inilabas na ganyan. Bakit nga ba sa pagkakataong ito ay may nagpapasimuno ng mga hate campaign, iyong wala nang ginawa kundi siraan ang kanilang kalaban. Bakit nga ba may mga taong ang strategy ay manira ng kanilang kapwa? At paiiralin ba natin ang mga bagay na iyan, na labag sa kautusan ng Diyos? Hindi ba ang sinabi sa atin ay igalang ang ating mga magulang, at para lang maisakatuparan ang isang hate campaign maglalabas tayo ng ganyang balita.
Hindi mahalaga kung totoo man o hindi, pero ang inilalabas natin ay labag sa utos ng Diyos. May karma iyan kapatid.