Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jela Cuenca

Jela Cuenca ‘isinalba’ ng Vivamax 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA si Jela Cuenca sa masuwerteng alaga ni Jojo Veloso na sunod-sunodat hindi nawawalan ng project sa Vivasimula nangipakilala kay Boss Vic del Rosario kaya naman hindi niya naramdaman ang epekto ng pandemic na tulad ng ibang nahirapan sa usaping pinansiyal.

Kuwento ni Jela sa digital media conference ng bagong handog ng Viva na mapapanood sa Vivamax simula May 7, ang Pusoy, hindi niya inakalang makakapag-artista siya. 

“Then, nag-pandemic and nakilala ko ‘yung manager ko. Sobrang thankful ako na nakilala ko siya and of course, kay Boss Vic, sa Viva. Ang laki ng pasasalamat ko sa kanila. Kung wala sila, wala ako sa sitwasyon ko ngayon. 

“And ayun, sobrang nakatataba ng puso, speechless. Kasi hindi ako masyadong nahirapan noong pandemic noong nakilala ko sila. Actually, hindi ko nga naramdaman na nahirapan ako.

“Kasi nga, ‘di ba, maraming tao ‘yung nahihirapan noong pandemic. But ako, parang napadali kasi si Boss Vic, ‘yung Viva, tinulungan talaga nila ako, binigyan agad nila ako ng project, and ayun, thank you so much,” tuloy-tuloy na paliwanag ni Jela na asawa ni Vince Rillon sa pelikula. Ang Pusoy ay kuwento ni ni Popoy (Vince Rillon), isang ambisyoso at batang bodyguard na nagtatrabaho sa isa sa pinaka-notorious na pasugalan na pag-aari ni Rodolfo (Baron Geisler), isang malupit na gambling lord, at mina-manage ni Xandra (Janelle Tee), isa sa mga babae ni Rodolfo.

Bukod sa Pusoy, nakasama rin si Jela sa Boy Bastos, Palitan, Taya, at Silip sa Apoy. Isa rin siya sa tinaguriang “VMX Crush” kasama sina AJ Raval at Angeli Khang na mga kapatid niya sa kuwadra ni Jojo.

Ang Pusoy ay idinirehe ni Philip Giordano at kasama rin dito sina  Angeli at Janelle Tee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …