Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Lopez Mel Lopez

Pagdawit sa ama pinalagan ni Lopez

MARIING kinondena ni Atty. Alex Lopez ang pahayag ng Asenso Manilenyo sa paratang tungkol sa kanyang ama.

Ayon kay Lopez, ang pagdawit sa pangalan ng kanyang yumaong ama, nakabababa ng moralidad at hindi angkop para sa isang sibilisadong lipunan.

Tinangka ng mga taong nasa likod ng Asenso Manilenyo na patahimikin ang oposisyon upang protektahan ang kasalukuyang administrasyon ng lungsod. Nagbanta din sila na sisirain ang mga alaala ng yumaonng mga mahal sa buhay ng kanilang mga kritiko.

Imposible ang naging akusasyon ng Asenso Manilenyo laban kay Mel Lopez dahil nanungkulan ito bilang alkalde taon 1986 hanggang 1992 at matapos ito marami pang administrasyon ang naupo sa lungsod ng Maynila.

Nakalulungkot isipin na ang mga pahayag ng Asenso Manilenyo ay puro panlilinlang tungkol sa pagbebenta ng mga ari-arian ng lungsod ng Maynila. Ang ibang mga pangunahing lungsod, hindi kailanman nagbenta ng mga ari-arian nito upang madagdagan ang kanilang badyet para sa pagtugon sa COVID-19.

Ang pagbebenta ng Divisoria Public Market , isang paggamit upang masagip ang kanilang nadudulas na paghawak sa kapangyarihan, na walang pagsasaalang-alang sa mga taong tapat na naghahanapbuhay.

Isa sa mga pangunahing plataporma ni Atty. Alex Lopez ang pagtiyak na ang Manilenyo may trabaho at hanapbuhay.

Isasaalang-alang ni Lopez ang kapakanan ng bawat mamamayan upang makamit nito ang mga munting mithiin na makapamuhay sa kasaganaan at kapayapaan.

               Isusulong ni Atty.  Lopez ang karapatan ng maliliit na negosyante at maglalaan ng kaukulang pondo upang magkaroon ng puhunan at mapalago ang kanilang mga negosyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …