Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shernee Tan-Tambut Marjani John Tambut

Kusug Tausug, nangampanya sa Pampanga at NCR Muslim area

DALAWANG magkasunod na araw ang ginawang pangangampanya ng Kusug Tausug party list sa mga lugar na tinitirhan ng mga Muslim sa Pampanga, gayundin sa mga imam at ilang lider Kristiyano sa Kamaynilaan.

Pinuntahan ni Kusug Tausug first nominee Representative Shernee Tan-Tanbut ang komunidad ng mga Muslim sa barangay Sto. Niño at San Rafael sa Guagua, Pampanga at mga lider-Muslim sa Arayat sa naturang lalawigan noong 4 Marso.

Ang makasaysayang bayan ng Guagua ay nagsilbing tahanan ng libo-libong Muslim na lumipat dito mula sa Mindanao habang maraming pamilya ng mga Mulsim ang naninirahan sa Munisipalidad ng Arayat. Inilahad sa kanila ng Kusug Tausug party list ang kanilang layunin ng malawakang pag-unlad.

Hinimok ni Cong. Tan-Tanbut ang mga kapwa niya Muslim na tulungan siyang maparami ang kinatawan ng mga Muslim sa kongreso. Binanggit niya kung paano nakatulong at nakapag-ambag ang mga Muslim sa paglago ng kabuhayan sa pinirmihang bayan kasabay ng paghimok na ipagpatuloy ang magagandang gawain bilang mga produktibong mamamayan ng Pampanga.

Nauna rito’y sinaksihan ni Cong. Tan-Tanbut ang paglagda sa isang Peace Covenant na itinaguyod ng COMELEC at pagbigkis ng Integrity Pledge ng lahat ng kandidato sa lalawigan ng Pampanga na ginanap sa San Fernando City bago siya tumuloy sa Muslim Center ng Barangay San Pedro, sa naturang lungsod.

Dumalo sa impormal na pagpupulong sa Arayat ang alkalde ng naturang bayan na si Mayor Emmanuel Bon Alehandrito at kandidato sa pagla-alkalde na si Madeth “Madir” Alejandrino, na kapwa tumatakbo sa lokal na partidong Kambilan.

Kinabukasan, dumalo si Cong. Shernee Tan-Tambut sa konsultasyon ng mga purok lider ng Munisipalidad ng Lubao, Pampanga na inorganisa ni Pampanga Vice Governnor Lilia “Nanay” Pineda. Matapos ang kaganapan, nagtungo sa interfaith meeting sa Quezon City sa pagitan ng mga Muslim ulamas ng National Capital Region at lider-Kristiyano ng Metro Manila.

Sinamahan si Cong. Shernee sa kanyang pagbisita sa Pampanga at Quezon City ng kanyang asawang si Capt. Marjani “John” Tambut.

Sina Cong. Tan-Tambut at kanyang asawa ay inilibot sa Pampanga ni dating Pangulo at Speaker of the House of Representatives Gloria Macapagal-Arroyo na tumatakbong walang katunggali bilang kinatawan sa ikalawang distrito ng Pampanga na sumasakop sa anim na bayan, kabilang rito ang Lubao at Guagua.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …