Tuesday , December 24 2024
Joy Belmonte Quezon City QC

24,000 plus katao nabiyayaan ng Pangkabuhayan QC program — Belmonte

MAHIGIT 24,000 residente ng Quezon City ang nabiyayaan ng Pangkabuhayang QC program, iniulat ni Mayor Joy Belmonte nitong weekend.

“As of March 6, 2022, the total number of beneficiaries who have received assistance is 24,497,” ang pahayag ni Belmonte, at idinagdag na ang sinabing 4,828 bilang ay bibigyan ng financial assistance sa darating na 8-13 Marso.

Paliwanag ni Belmonte, ang Pangkabuhayan QC program ay pinangangasiwaan ng Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO) na sumusuri sa mga nais mapabilang sa programa, lalo ang mga naapektohan ang kabuhayan dahil sa pandemiyang dulot ng CoVid-19 virus.

Kabilang sa prayoridad ng programa ang mga nawalan ng trabaho, tulad ng mga micro-entrepreneur, Overseas Filipino Workers (OFW), unemployed solo parents, at mga persons with disability o mga PWD.

Sinabi ni Belmonte, noon pang Nobyembre ng nakaraang taon ay nagsimula nang magbigay ang SBCDPO sa mga residenteng naaprobahan ang mga aplikasyon.

Dagdag ni Belmonte, ang halaga ng financial assistance ay nagmumula sa halagang P10,000 hanggang P20,000 bilang panimulang puhunan ng mga beneficiaries, upang makaahon sa kahirapang naranasan dahil sa pandemiya.

“Depende sa kanilang isinumiteng business proposal,” paliwanag ng Mayora. Aniya, ang kabuuang halaga, na naipamahagi ng kanyang lokal na pamahalaan ay umabot sa P254,735,000.

Sinikap ng SBCDPO na makatuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagrerehistro ng mga negosyo ng beneficiaries.

Ang San Miguel Corporation at Cebuana Lhuiller naman para sa business insurances at ang GCash para sa online at contactless banking o pagbabayad.

Samantala, inianunsiyo ni Belmonte na 3,600 kababaihan ang tatanggap ng “Tindahan ni Ate Joy” ngayong buwan ng Marso. Sampung libong (P10,000) halaga ng mga paninda ang ibibigay sa mga benepisaryo ng programa.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …