Tuesday , December 24 2024
Lauren Dyogi ABS-CBN Star Magic

Direk Lauren focus sa pag-build-up ng mga artistang loyal sa kanila

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IGINIIT ni Direk Lauren Dyogi na magpo-focus muna sila sa mga Star Magic artists na nanatili sa kanila. Ito ang tinuran ng  ABS-CBN TV Production and Star Magic head sa Kapamilya Strong 2022 face to face media conference. Ibig sabihin, walang puwang ang mga umalis at nang-iwan sa kanila. 

“I would always respect the decision of every individual (mga umalis) kasi hindi ko naman hawak iyong buhay ng bawat isa sa kanila.

“I mean, they made their decisions based on their lives’ circumstances, hindi na natin maaano (mapipigil) iyon, hindi ko makukuwestiyon iyon kung may pangangailangan sila o may plano sila sa buhay na sa tingin nila, hindi maibibigay ng ABSCBN at Star Magic. That’s their option,” anang direktor. 

But I also like to say na para sa akin, mas importante iyong mga kasama ko ngayon dito.

“I don’t like to even spend my energy and my time thinking about who left because they’ve decided to move on and left.

“I’d like to pour my energy and my focus and my love to the ones who are here kasi iyon naman ang importante, eh, iyong kasama mo ngayon sa hirap at ginhawa,” paliwanag pa ni Direk Dyogi. 

Naikuwento pa ng direktor na marami siyang realizationg simula nang hindi na-renew ang kanilang franchise. 

“The loss of the franchise gave us a lot of insight into what’s important in our lives and who are the people who are also important and who value that relationship. So iyon muna iyong tinitingnan ko.

“In the future, I can’t say. Sino ba tayo? We don’t know what the future is, what’s there. Maliit lang naman ang industriya ng entertainment, so hindi ako magsasalita nang tapos na it’s for good na never ulit magkakasama, ‘di ba?

“But for now, ABS will focus and Star Magic will focus on the artists who decided to stay and be with us and journey with us and commit to be part of this very interesting and very challenging times.

“Pero alam natin na pagkatapos nito, I think we’ve gone through the worse already, paahon na kami, exciting times are just ahead,” giit pa ni Lauren.

At ngayong 2022, maraming plano ang inihayag ni Lauren kasama na ang muling pagsasagawa ng Star Magic Ball na ikinasiya at ikinasigaw ng mga artistang pumirma at naroon sa paglulunsad ng 30th anniversary ng Star Magic na sina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Jolina Magdangal, Gerald Anderson, Sam Milby, Erich Gonzales, Shaina Magdayao, Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …