RATED R
ni Rommel Gonzales
DAHIL sa mataas na ratings linggo-linggo, mas pinaganda at mas masayang episode ang mapapanood sa bagong Sunday night viewing habit na Happy ToGetHer.
This week balik-taping na uli ang buong Happy ToGetHer cast sa pangunguna ng multi-awarded TV-movie actor na si John Lloyd Cruz at kanilang direktor na si Edgar “Bobot” Mortiz.
Samantala, sa sunod-sunod na post sa Instagram Stories ng former child actress na si Miles Ocampo, ipinasilip nito ang ilang eksena sa kanilang script reading.
Tuwang-tuwa si Miles na ang taping nila sa Kapuso sitcom ang first work niya for 2022.
May groufie photo na ipinost din si Jayson Gainza kasama sina John Lloyd at mga comedian na sina Leo Bruno at Eric Nicolas.
Walang iwanan sa tawanan at may kurot sa puso na kuwento ng Happy ToGetHer sa Sunday primetime, bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.