Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miguel Tanfelix puring-puri ang kahusayan sa MPK

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULING ipinamalas ni Miguel Tanfelix ang kanyang husay sa pag-arte bilang si Diego Garcia, isang lalaking ipinanganak na walang mga binti at may underdeveloped na mga kamay, na itinampok sa real life drama anthology na #MPK Magpakailanmannoong Sabado, January 15.

Aminado si Miguel na na-challenge siya sa kanyang role pero nakatulong ang pag-intindi niya sa nararanasan ni Diego upang magampanang mabuti ang kuwento nito.

Dahil sa galing na ipinakita ni Miguel, mabilis na naging hot topic online ang kanyang naging acting performance. Umakyat pa sa Twitter Philippines top trending list ang #MiguelOnMPK at Miguel Tanfelix.

Umulan din ng papuri mula sa mga nanood sa husay ng aktor at inilarawan siya bilang “Best Actor” ng kanyang henerasyon.

Maging sa Facebook, maraming online netizens din ang nagbigay paghanga sa aktor.

Samantala, isa rin si Miguel sa napiling mapabilang sa eight brightest stars for 2022 ng talent management arm ng GMA Network na Sparkle.

Marami na rin ang nag-aabang kay Miguel bilang si Steve Armstrong sa upcoming live-action adaptation series Voltes V: Legacy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …