Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Orcollo

Dennis Orcollo na-deport mula sa US

IPINATAPON ng Estados Unidos ang isa sa pinakamagaling  na manlalaro ng bilyar sa Filipinas na  si “money-game king”  Dennis Orcollo sa US dahil sa “overstaying.”

Si Orcollo ay kilala sa buong mundo lalo sa US dahil sa sangkatutak na napanalunang torneo kasama ang presti­hiyo­song 2016 US Open Straight Pool title, US Open 8-Ball Champion­ship.

“We just received terrible news that Dennis Orcollo was sent home due to a VISA infraction on his last stay. He cannot return for 5 years! Seems excessive,” pagrereport ng Pool Action TV.

“Immigration is cracking down on everyone trying to get here legally. Hopefully things can change soon.”

Ayon sa report, pinigilan si Orcollo na makapasok sa Los Angeles noong Linggo ng gabi at inimporma siyang ‘overstayed’ siya sa  US.   Dagdag sa report, ang ikalawang pagkakataon na lumagpas siya ng pamamalagi sa US.

Sa mensahe na ipinarating ng Billiards Planet’s Facebook page, sinabi nilang ikinulong si Orcollo ng US authorities sa loob ng 31 oras.

“My visa was invalid because of too much stay in the US. They said they ban me for 5 years,” sabi ni Orcollo.

“For sure I (will) miss a lot of events in the US. At this moment, I have no idea when will I be able to come back.”

Sa ngayon ay nagha­hanap ng remedyo na makakuha ng athlete’s visa  si Orcollo  para makalahok muli sa US.

Si Orcollo ay maipag-mamalaking atleta ng Filipinas na nagbigay sa bansa ng  Asian Games gold at limang SEA Games gold medals.   Minsan din siyang itinanghal na hari ng World 8-Ball noong 2011.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …