Friday , November 15 2024

Sa M’lang, Cotabato
2 LABORER NATAGPUANG PATAY SA IRIGASYON

WALA nang buhay nang matagpuan ang dalawang construction workers sa isang irrigation canal sa bayan ng M’lang, lalawigan ng Cotabato, nitong Biyernes,  7 Enero.

Kinilala ni Bernardo Tayong, Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer of M’lang, ang dalawang biktimang sina “Boboy” ng Brgy. San Vicente, bayan ng Makilala; at Niño Tamunan  ng bayan ng Magpet.

Nadiskubre ng ilang mga residente ng Brgy. Buayan ang mga bangkay noong Biyernes ng umaga at agad nilang iniulat sa mga awtoridad.

Ayon kay Tayong, mayroong pinsala sa kanilang mga ulo ang mga biktima at naiahon ang isang motorsiklo mula sa kanal ng irigasyon hindi kalayuan mula sa mga labi.

Dagdag ni Tayong, pinaniniwalaang galing ang dalawa mula sa isang post-New Year party ng kanilang amo ng nakaraang gabi.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang posibili­dad na pabalik na sa kani­lang barracks ang dalawang construction worker nang mahulog sila sa kanal.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …