Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willy Sy-Alvarado Micka Bautista

Tambalang Willy-Jonjon inilunsad sa Bulacan

SA PAKIKIPAGPULONG sa mga miyembro ng media ni Bulacan Vice-Governor Willy Alvarado, na ngayon ay tumatakbong muli bilang gobernador, ipinakilala si 3rd District Rep. Jonjon Mendoza bilang kanyang running mate na bise-gobernador.

Ikinompara ni Alvarado ang Bulacan sa Israel na lubos na pinagpala at iniligtas ng Panginoon, na kahit saan magtungo ang mga Bulakenyo ay iba ang pakiramdam sa pangtanggap ng mga nakararami.

Ayon kay Alvarado, sa kanya umanong pag-aaral, ang katubusan ng ating bansa, na halos 400 taon naging alipin sa ilalim ng kolonyalistang Kastila, ay pinalaya ng tatlong mahahalagang Republika sa kasaysayan ng Filipinas ay nalikha sa lalawigan ng Bulacan.

Aniya, hindi galing sa mga Bulakenyo kaya kinaiingitan ng buong bansang Filipinas at may pagkakataon na maging si dating Senador at Secretary Blas Ople nang pagkalooban ng award sa Spanish Embassy ay nakatabi niya at malaking karangalan  na lumapit sa kanya si dating Vice President Emmanuel Pelaez, na nagpahayag sa kanya noong siya ay alkalde pa lamang: “Alam mo Mayor Alvarado, sa totoo lang kaming mga taga-Bisaya at mga taga-Mindanao ay inggit na inggit sa inyong mga Bulakenyo, ang dahilan ay kung ating  bubuklatin ang pahina ng ating kasaysayan ay dito nilikha sa sinapupunan ng dakilang lalawigan  ng Bulacan  ang 1st Republic of the Cacarong de Sili sa Pandi, the second Republic of Biak-na-Bato sa San Miguel, Bulacan at nagsara ang kasaysayan sa banal na lupa ng Barasaoin church na ngayon ay siyudad ng Malolos na nagbigay ng legalisasyon sa kalayaan na iprinoklama ni Heneral Emilio Aguinaldo, Jr., noong 12 Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite at ginamit na legal na basehan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal  upang ilipat ang pag-alaala ng ating kasaysayan mula 4 Hulyo sa 12 Hunyo.”

Pagdating sa kinakaharap na krisis ng buong mundo, ang virus na CoVid-19, sinabi ni Alvarado, dumating ang panahon na dahil sa pandemya ay bumagsak ang ekonomiya ng Filipinas na bago ang  pandemic, ang internal external debt ng ating bansa ay hindi kukulangin sa P1.9 trilyon na lalo pang ikinalugmok nito dahil halos lahat ng mga pabrika at korporasyon ay nagsara, walang remittances, walang mga  turista, walang aasahan ang gobyerno kaya bagsak ang ating ekonomiya.

Dagdag ni Alvarado, maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay alam kung paano babangon ang bansang Filipinas, kung  paano ito bumangon noon sa pamamagitan ng tatlong Republika na isinilang sa lalawigan ng Bulacan, at ito ang gagamitin nilang ehemplo kapag naupo sa Kapitolyo.

“Babangon po tayo sa ating pagkakadupilas sa economic crisis, at magmumula ang pagbangon natin sa ating lalawigan ng Bulacan thru the tri-model project, kung noon ay tatlong Republika, ngayon ay tri-model project na ang sisibol sa lalawigan ng Bulacan.

“At ang magpapanumbalik ng kasiglahan ng ekonomiya ng Bulacan ay ang tambalan namin ni Cong. Jonjon Mendoza na babangong muli sa pamamagitan ng tri-model; project , una ang  infrastructure project, pangalawa ang landport, at ikatlo ang seaport,” pagtitiyak ni Alvarado.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …