Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Alden Richards

Alden last movie ang pagsasamahan nila ni Bea

RATED R
ni Rommel Gonzales

TAOS-PUSONG nagpapasalamat si Alden Richards sa lahat ng tumutok sa pagbabalik ng kanyang pinagbibidahang primetime series na The World Between Us.

Sa pamamagitan ng Facebook live, nakipagkuwentuhan si Alden sa kanyang fans at dito siya nagpasalamat sa suporta nila.

“Thank you po sa lahat ng nag-support ng comeback ng ‘The World Between Us.’ We’re now on our second week, going third week, lapit niyo na makita si Louie 2.0,” saad ni Alden.

Nagbigay din ng update si Alden tungkol sa ginagawa niyang pelikula kasama si Bea Alonzo at kung ano ang plano niya sa darating na Pasko.

“I will be flying to the US for the holidays, baka roon na rin ako mag-birthday, Christmas, and New Year,” kuwento ni Alden.

“‘Yung movie ’yung parang last project ko this year tapos will continue eventually after the holidays,” dagdag niya.

Bukod sa pelikula, pinaghahandaan na rin ni Alden ang kanyang benefit-concert na ForwARd para sa itinayo niyang AR Foundation.

“This is one of the projects na sobrang malapit sa akin. It’s all about Richard Reyes Faulkerson, Jr. Why I started, coming up with a foundation for scholars. Of course, all the proceeds of the concert will go to the foundation,” ayon pa sa kanya.

Mapapanood ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.

Samantala, makabibili naman ng tickets ng ForwARd sa Ticket2Me at mapapanood ito online sa January 30, 8:00 p.m.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …