Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sab Aggabao Cara Gonzales Ayana Misola Stephanie Raz Darryl Yap

Direk Darryl sa Pornstar: Sampal sa mga konserbatibo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“THIS is a testament.” Ito ang iginiit ni Direk Darryl Yap ukol sa kanyang ika-13 pelikula sa Viva, ang Pornstar 2: Pangalawang Putok na seguel ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na nagtatampok pa rin kina Rosanna Roces, Maui Taylor, Alma Moreno, at Ara Mina kasama ang apat na baguhang sina Sab Aggabao, Cara Gonzales, Ayana Misola, at Stephanie Raz na mapapanood na sa December 3.

Kinukuwestiyon kasi ang paggamit ng pornstar ni Direk Darryl gayung hindi naman daw mga pornstar ang mga bidang artista lalo na ang mga veteran actors.

Paliwanag ni Direk Darryl kung bakit “pornstar” ang ginamit niya sa titulo ng sexy-comedy film, “The reason why I use ‘pornstar’ is because it mirrors how society see the actors which is they’re just doing sexy. It’s actually a judgment for the  people.

“Ito ‘yung parang sampal sa mukha ng mga masyadong konserbatibong tao, na kapag nakitang nakikipaghalikan, may pa-bathing suit lang sa pelikula, magsuot lang ng pangsayaw na tangga sasabihin na nila malandi, pokpok na agad, pornstar, ganyan,” aniya.

“The Filipino people kasi, why are we very ostentatious with words now? Bakit masyado tayong conscious sa salita? Magpakita lang ng wet look sasabihin nila pornstar na. So this is actually a testament,” dagdag paliwanag pa ng tinaguriang pandemic director.

Kaya sa Dec. 3 mauuna nang magpaputok sina Alma, Ara, Maui, at Rosanna sa paghahanap ulit ng bagong Pinay pornstar. Pagkatapos kasi ng fail audition at workshop nila, nagbabalik ang mga legendary sexy stars para maghanap ng bagong Pinay pornstar. Ang mga ito ang tuturuan nila ng  kanilang skills at sa apat na iyon pipili ng bagong mukha ng Pinoy sexy movies at ang magsisimula ng bagong henerasyon ng young sexy stars.

Kaya tutok na sa Vivamax dahil tiyak trending at hit na naman ang hubaran at tawanan sa Pornstar 2: Pangalawang Putok sa December 3, streaming online sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, at Europe. Available na rin ito sa Viva max USA at Canada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …