Monday , December 23 2024
Conor McGregor

Conor McGregor sasabak sa Octagon sa 2022

NANINIWALA si Conor McGregor na nasa unahan siya ng pila para sa 155-pound title shot   sa pagbabalik niya sa Octagon sa late 2022,  kahit pa nga ang tinaguriang ‘Notorious’ ay may kartang 1-3 sa lightweight division.  Hindi magiging mahirap na pagbigyan ang kanyang kahilingan.

Madaling mangyari ang ‘request’ ni McGregor kung hawak pa rin ni  Dustin Poirier ang titulo, pero kailangan pa ring talunin ng tinaguriang “The Diamond” ang kasalukuyang kampeong si Charles Oliveira sa UFC 269 pay-per-view (PPV) main event sa susunod na buwan sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Tiyak na papalag din si Gaethje  kung hindi siya ang makakasagupa ni McGregor sa titulo.  Matatandaan na pinangakuan at inaprubhan ni UFC President Dana White ang ikaapat na pagsasagupa nila ni McGregor.

“Hi lads, here goes,” sinulat ni McGregor sa Twitter. “Clicks and the like. Your boss and what not. The Mac. Santy Claus. I’m facing whoever the fuck has that LW title next. Deal with it. Take off your goggles and mark the trilogy ‘unfinished’. Deal with that too. The rest mentioned, after this. Deal. With. It.”

Nabalian ng binti si McGregor sa  UFC 264 main event nung nakaraang summer sa Las Vegs, para lumamang si Poirier 2-1 sa kanilang lightweight trilogy.  Ang panalong iyon ay resbak lang sa pagkatalo niya sa Irish slugger noong Sept. 2014.

Posibleng mangyari rin ang McGregor vs. Chandler sa 2022.

 “I will no have issue returning from this injury,” pagpapatuloy ni McGregor. “Not an iota of issue. I’ve already prepared for a fight under these exact conditions. This game has just begun. Know that all my enemies are of similar age and experience, and for this reason, I hereby declare this war forever! McGregor Forever.”

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …