ILALARGA ni 13-times National Open Champion Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr. ang isang simultaneous chess exhibition sa Nobyembre 10 sa ika-4 na distrito ng Quezon City.
“Malaki ang maitutulong ng exhibition ni Antonio para sa mga manlalaro ng chess sa 4th district ng Quezon City,” sabi ni Mr. Rudy Rivera, ang brain child ng nasabing grass roots chess activity.
“November 10 is the target date to launch the simultaneous chess exhibition in Barangay Tatalon, Damayang Lagi and Dona Imelda.” dagdag pa ni G. Rivera na isa ring kampeon ng chess sa Quezon City.
Ang layunin ng nasabing event ay para mahasa ang mga lalahok sa kanilang abilidad na makapag-analisa ng problem-solving sa chess. Ang punong abala ay si Quezon City fourth district councilor Janet “Babes” Malaya sa pakikipagtulungan ng Barkadahan Para sa Bansa Party List sa gabay nina Atty. Nolan V. Banda at Dr. Ariel B. Potot.
“We’re doing this to promote chess in the grassroots level,” sabi ni Antonio, 2015 Quezon City most outstanding citizen awardee sa field ng sports.
” We would like to thank Quezon City fourth district councilor Janet “Babes” Malaya in close cooperation with Barkadahan Para sa Bansa Party List headed by Atty. Nolan V. Banda and Dr. Ariel B. Potot for supporting this chess event,” ani pa GM Antonio.
MARLON BERNARDINO