Thursday , April 24 2025
Anthony Joshua, Oleksandr Usyk, Roy Jones Jr

Jones Jr., desmayado sa taktikang ginamit ni Joshua kontra Usyk

NAPAHAYAG ng komento si Roy Jones, Jr., sa pagkatalo ni Anthony Joshua kay Oleksandr Usyk noong nakaraang linggo na ayon sa kanya ay mali ang ginamit na taktika para yumuko sa dating undisputed cruiserweight champion via unanimous decision.

Sa first round pa lang, nakita ni Jones ang kamalian ng kampo ni Joshua nang magsimulang mabagal at naging tactical ang  laban kay Usyk.

Maliwanag na nakuha ni Usyk ang tatlong naunang round dahil sa maling taktika ni Joshua. Pagkaraan ay hindi nakagawa ng adjustments ang trainer niyang si Rob McCraken para maghabol sa mga sumunod na rounds.

Ramdam ni Jones na walang adjustment ang kampo ni Joshua sa pagiging agresibo ni Usyk. 

Matatandaan na una nang nag-predict si Roy na kung hindi mapapatulog ni Joshua si Usyk sa loob ng limang rounds, matatalo siya sa laban. Iyon nga ang nangyari.

Kung magkakaroon ng rematch ang dalawa, kailangang magsimula si Joshua nang mabilis at presyurin agad ng atake si Usyk, dahil hindi siya puwedeng mabagal sa simula tulad ng nangyari sa una nilang laban.

Ganoon pa man dinomina ni Joshua ang rounds 4 at 7.

”They can’t doubt him. He [Joshua] dominated rounds four through seven, and he showed that he could dominate the fight at any time,” sabi ni  Roy Jones, Jr., sa  iFL TV tungkol sa pagkatalo ni  Joshua kay  Usyk.

”It’s just a matter of him deciding when he wants to dominate the fight.

“I knew he lost the first three rounds and then won the next three,” said Jones about AJ. “Round seven was even. It’s not.

“He [Joshua] dominated rounds four through seven, and he used his size. Usyk is stronger than they give him credit for.

“Usyk hurt Joshua in the second round because Joshua let him get a little too close. Usyk isn’t a top 10 puncher, but neither is Fury, and Fury is the top heavyweight in the world right now, so you don’t have to be a top 10 puncher.

“You got Fury, Usyk, Wilder, AJ, and probably Whyte,” sabi ni  Roy kung sino sa palagay niya ang top five heavyweights sa dibisyon.

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …