Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pharmally
Pharmally

Pharmally ‘middleman’ ng Duterte admin

KINUWESTIYON ni Sen. Franklin Drilon ang papel ng Pharmally bilang middleman sa pagbili ng PS-DBM ng medical supplies sa panahon ng pandemya gayong nakipag-usap naman sa gobyerno ng China ang mga opisyal ng administrasyong Duterte.

Ang pahayag ay tugon ni Drilon sa pag-amin ni vaccine czar Carlito Galvez na matapos ideklara ni Pangulong Duterte ang unang lockdown ay nakipag-ugnayan sila ni Lao kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian upang ‘maituro’ sila sa manufacturer ng medical supplies sa China.

Kinompirma rin ni Galvez na tinawagan nila ni Lao si Michael Yang, ang dating economic adviser ni Pangulong Duterte, upang makabili ng medical supplies.

“Bakit hindi government to government? Bakit naging middleman ang Pharmally? Kailangan ba may middleman,” tanong ni Drilon kay Galvez.

Naniniwala si Drilon na may bagong ‘variant’ ng korupsiyon na laganap sa burukrasya na tinawag niyang “planned plunder” dahil mabilis na nagpaparami o nagmu-mutate ang virus gaya ng CoVid-19.

Lalo aniyang magpupursigi ang Senado sa imbestigasyon upang matuklasan ang iba’t ibang iskema ng korupsiyon sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na hindi kayang pigilan ang Senado sa pag-iimbestiga.

Hindi pa man natatapos ang Senate probe sa Pharmally, idinekalara kagabi ni Pangulong Duterte na walang overpriced sa nasungkit na P8.7 bilyong medical supplies contract ng kompanya.

Nauna rito’y inamin ng Pangulo na “pagador’ ng Pharmally si Yang.

Para kay dating Sen. Serge Osmeña, dapat imbestigahan din ng Senado si Sen. Christopher “Bong” Go sa isyu.

“Whether he is a senator or not, they should investigate Bong Go. I don’t think he is a senator, he is the caregiver of Rodrigo Duterte,” ani Osmeña.

Matatandaang isiniwalat ni Sen. Richard Gordon na pawang mga naging tauhan ni Go ang mga presidential appointees na nadawit sa isyu ng Pharmally. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Casino Plus Angpao Rain Gala

Casino Plus, the Best Online Casino in the Philippines, Staged the First-of-its-Kind Angpao Rain Gala, Awarding a Record-Setting P180 Million to Recognize 600 Top Filipino Video Content Creators

IN a groundbreaking first, Casino Plus, the best online casino in the Philippines, awarded a …

Senate Senado

Wala nang plastikan
Cayetano aminado target liderato ng upper chamber

HINDI na makikipagplastikan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa usapin ng senate leadership …

Mon Confiado Cassy Lavarias Ynez Veneracion

Mon, Ynez nagkaiyakan; Ai Ai ayaw muna mainlab

HARD TALKni Pilar Mateo NASA restaurant business ang dating That’s Entertainment actress na si Ana Abiera. Binuksan niya …

P3.9-M marijuana binunot sa Benguet

P3.9-M marijuana binunot sa Benguet

TINATAYANG P3.9 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang binunot at sinira sa patuloy …

PNP PRO4 Calabarzon

Laban vs droga, loose firearms pinaigting ng PRO4-A

INIULAT ng PRO4-A (PRO CALABARZON), naging makabuluhan ang kanilang mga operasyon sa pagpapaigting ng laban …