Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerry Gracio, Liza Diño
Jerry Gracio, Liza Diño

Gracio kay Chair Liza — ‘Di namin kailangan ang Film Industry Month, kailangan naming ang maayos na pandemic response at ayuda

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Gracio kay Chair Liza — ‘Di namin kailangan ang Film Industry Month, kailangan naming ang maayos na pandemic response at ayuda

MAY panawagan ang premyadong manunulat na si Jerry B. Gracio kay Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino tungkol sa mga kasamahang walang trabaho sa industriya.

Ang FDCP, bilang nangungunang ahensiya na ipagdiriwang ang Philippine Film Industry Month ay mayroong mga nakapilang kaganapan at programa para sa pambungad ng selebrasyon na may temang Ngayon ang Bagong SineMula!

Dahil sa COVID-19 pandemic, ang pag-obserba ng Philippine Film Industry Month 2021 ay gaganapin ng online sa social media pages ng FDCP para sa Opening at Closing events. Ang screenings naman ay eksklusibong idaraos sa FDCP Channel virtual platform (fdcpchannel.ph). 

Ang Opening ng Philippine Film Industry Month ngayong araw, Setyembre 1 ay maipalalabas ng live sa Facebook pages at YouTube channel, na magtatampok ng paglunsad ng Nood Tayo ng Sine Campaign kasama ang important announcements mula sa International Film Industry Conference (IFIC), First Cut Lab Philippines (FCL PH), FDCP FilmPhilippines Incentives Program, at Mit Out Sound: International Silent Film Lab.

Ang flagship program ng FDCP, ang ikalimang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ay nagbabalik sa FDCP Channel kasama ang first leg nito, tampok din ang free screenings mula sa Sine Kabataan Short Film Competition at Sine Isla: LuzViMinda Short Film Competition mula Setyembre 17 hanggang 26.

Ipalalabas din ng libre sa FDCP Channel ang walong heritage films na restored o enhanced ng FDCP Philippine Film Archive kabilang dito ang  Insiang ni National Artist Lino Brocka at Manila by Night ni National Artist Ishmael Bernal sa buong buwan ng Setyembre, at ang mga pelikula sa espesyal na Elwood Perez Retrospective mula Setyembre 25 hanggang 30. 

Ini-repost ni Jerry ang nasulat tungkol sa Philippine Film Industry month sa kanyang Twitter account.

Aniya, ”Ate, walang trabaho mga kasama natin sa industriya, andaming mga taga-pelikula ang namamatay sa sakit at gutom. Hindi namin kailangan ang Film Industry Month. Kailangan namin ng maayos na pandemic response at ayuda.”

Wala pang sagot si Chair Liza tungkol dito hanggang sa matapos namin itong sulatin. 

Bukas po ang HATAW sa panig ni FDCP Chair Liza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …