Friday , December 19 2025

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

Laoang Northern Samar PNP

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na naglalaman ng mahigit P100,000 cash, cellphone at mga alahas sa bayan ng Laoang, Northern Samar, iniulat kahapon. Sa ulat ng Laoang Municipal Police Station (MPS), kinilala ang nasabing magsasaka na si Pobleo Narca, 53 anyos, naninirahan sa Brgy. Olares ng nasabing bayan. Nabatid na ang …

Read More »

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

Maria Catalina Cabral

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Undersecretary Maria Catalina Cabral na hinihinalang nahulog sa gilid ng bangin sa Kennon Road sa Tuba, Benguet, ayon sa pulisya, Huwebes ng gabi, 18  Disyembre.         Sa ulat ng pulisya, sinabing una siyang natagpuang walang malay sa Bued River, mga 20 hanggang 30 …

Read More »

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

Marikina

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina Mayor Maan Teodoro na magpatupad ng mas mahigpit na pamamahala sa trapiko at seguridad sa mga pamilihan at lahat ng commercial areas sa lungsod. Ayon sa alkalde, lumalala na ang trapiko sa ilang lugar kaya’t inatasan niya ang Office of Public Safety and Security (OPSS) …

Read More »

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

Water Faucet Tubig Gripo

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos putulin ng Manila Water ang kanilang suplay noong Huwebes dahil sa kabiguang magbayad ng mga kasalukuyan at nakaraang mga kapitan ng barangay sa mga natitirang bayarin. Ang mga residente ng Tumana ay tumatanggap ng kanilang suplay ng tubig sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement …

Read More »

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

JV Ejercito BIR LOAs

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee, habang naka-confine sa ospital hinggil sa  isyu ng Letters of Authority (LOAs) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Huwebes, 11 Disyembre 2025. Ibinunyag ni Sen. Ejercito ang mga detalye ng umano’y modus ng Letters of Authority at pinalobong tax assessments sa BIR—mga …

Read More »

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

LTFRB TNVS Car

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang karaingan matapos magpatupad ang ahensiya ng compensatory adjustment sa pick-up fares mula  20 Disyembre 2025 hanggang  4 Enero 2026 Ayon kay Lisza Redulla, tagapagsalita ng TNVS Community Philippines, bilang isang komunidad ng mga totoong TNVS drivers na bumabagtas sa …

Read More »

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

Aksyon Agad Almar Danguilan

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na dapat sampahan ng kaso si dating House Speaker Martin Romualdez dahil sa multi-bilyong pisong anomalya sa flood control projects. Nitong nakaraang Huwebes sa year-end press conference ng Kalihim, inirerekomenda ng DPWH ang pagsasampa ng kaso laban sa 87 indibiduwal na sangkot sa flood …

Read More »

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

Aksyon Agad Almar Danguilan

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau of Customs (BOC). Ayon sa  importers, exporters at brokers sa Aduana, sobra na umano ang ginagawang pangigipit sa kanila ng isang ‘tiktik’ na opisyal ng BOC na hindi na muna tinukoy ang pangalan na humahawak ng sensitibong posisyon. Anila, simula nang maitalaga sa puwesto ang …

Read More »

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel niya bilang si Ryan sa I’m Perfect. “Hindi ko alam kung paano siya aatakihin,” pagtukoy niya sa papel niya bilang nakababatang kapatid ni Jiro (Earl Amaba) na may Down Syndrome. “Pero gusto ko lang din i-share ‘yung unang-unang pagkikita namin ni Kuya Earl. “Parang pagkakita ko sa …

Read More »

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access to Artists o Triple A management. Maayos ang pag-alis ni Jhai Ho sa Star Magic na siya niyang dating management. Lahad ni DJ Jhai Ho, “Yes po. Ang kumuha sa akin sa Star Magic was Mr. Johnny Manahan, that’s why kung makikita niyo sa social media post ko, …

Read More »

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast member ng I’m Perfect na mga batang may Down Syndrome na kinabibilangan ng mga bida sa pelikula na sina Earl Amaba at Krystel Go. Dinamayan ng mga ito si Sylvia at ang buong pamilyang Atayde sa mga panahong lugmok sila. Lahad ni Sylvia, “Sobra! Kasi mula noong October hanggang ngayon sa buhay …

Read More »

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

Innervoices Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male group na InnerVoices nang dumalo sila sa 38th Aliw Awards. Halos mamukod-tangi ang grupo nina Atty. Rey Bergado (leader/keyboards/vocals) dahil muy simpatico sila nina Patrick Marcelino (vocals), Joseph Cruz (keyboards), Rene Tecson (guitars), Alvin Herbon (bass), at Jojo Esparrago (drums) sa bulwagan ng Fiesta Pavilion ng The Manila Hotel na ginanap ang 38th Aliw Awards. Itinanghal na Best Group Performer in …

Read More »

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

Maya Twinyonaryo

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki sa pamamagitan ng Maya. Sa pamamagitan ng #1 Digital Bank sa bansa, mas exciting maging Twinyonaryo at manalo ng P1-M para sa ‘yo at referral mo dahil pwede ka makakuha ng raffle sa pamamagitan ng pagbayad at paghiram ng pera sa Maya. At kung gusto mo …

Read More »

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may akda ng 60 Dream Holidays Around the World, si Ms Christine Dayrit. Ito ang naibahagi ng dating Cinema Evaluation Board (CEB) chair nang ilunsad ang librong koleksiyon ng kanyang mga travel article na lumabas sa The Philippine Star simula 2000, sa Cultural Centre of Lipa Lobby sa Lipa, Batangas noong Lunes, December 15, …

Read More »

PH completes sweep of 3 triathlon golds

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong medalya noong Miyerkules matapos mapanalunan ang women’s, men’s, at mixed relay events na ginanap sa Leam Mae Phim Beach dito. Nag-uwi sina Kira Ellis at Raven Alcoseba ng tig-dalawang gintong medalya matapos maging bahagi ng women’s team relay at mixed team relay events. Ang nagtatanggol …

Read More »