Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo
Bea Alonzo

Bea iginiit: Wala siyang ibiniting trabaho

HATAWAN
ni Ed de Leon

ONCE and for all, nilinaw ni Bea Alonzo na wala siyang ibiniting trabaho sa ABS-CBN kagaya ng akusasyon sa kanya ng ilang dating nakatrabaho. Diniretso niyang sinabi na Covid ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang management na itigil na ang trabaho sa serye nila. Iyon nga lang, hindi na niya nahintay na magbalik sa normal ang lahat at umasang itutuloy pa ang seryeng iyon. May mga kasamahan naman siyang umaasa nga na matutuloy pa ang serye kung magiging normal na ang lahat.

Kaso, kailan nga ba babalik sa normal? Kailan ba mabibigyang muli ng franchise ang ABS-CBN?

Dahil wala ngang katiyakan at alam naman ni Bea na hindi puwedeng matulog lamang ang kanyang career, nang makatanggap siya ng magandang offer, lumipat siya sa GMA. Pero hindi issue iyon dahil isa siya sa mga talent na pinakawalan na ng ABS-CBN noong mawala rin ang kanilang franchise, eh kung iyon ba naman hindi nila pinakawalan eh, makalilipat ba iyan sa GMA?

Samantala naghahanda na raw siya, hindi nga malaman kung pelikula ba ang uunahin o isang serye sa telebisyon pero sinasabi ngang alinman ang mauna, si Alden Richards naman ang leading man niya sa alin mang projects na iyon.

Sa ngayon happy naman si Bea sa buhay niya. Mukhang ganado siya sa kanyang trabaho, at masaya rin naman siya sa kanyang lovelife.

Basta ang sinasabi nga ni Bea, mas pagbubutihin niya ang kanyang career sa ngayon. Marami siyang kailangang patunayan. Matagal na rin naman siyang napahinga, hindi tayo nakasisiguro. Siya pa rin ba ang mananatiling movie queen hanggang ngayon?

Maraming mga bagong artista na sumulpot at sumikat bago pa ang pandemya, nagtuloy sila sa kanilang trabaho, eh sila kasi urong-sulong nga ang kanilang career dahil wala pang katiyakan noon ang franchise ng ABS-CBN, nagkataon pang nasabit. Kaya parang nabantilawan din ang lahat ng mga plano nila noon.

Pero palagay naman namin, makakaya pa ni Bea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …