Wednesday , December 25 2024

Grievances ng BI employees nakararating kaya kay Comm. Jaime Morente?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

EWAN natin kung nakararating o nasasagap ng radar ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang mga hinaing ng mga empleyado ng BI na masyado silang pinahihirapan sa pagkuha ng kanilang clearances sa kada sila magpa-file ng mahabang sick leave, vacation leave, o di kaya ay pagkagaling sa suspensions.

Ang siste, kapag hindi ka nakapag-clearance agad, siguradong matetengga nang matagal ang suweldo ng empleyado sa ahensiya.

 ‘Addendum’ ang ginagamit nilang termino rito.

Sino nga naman ang may gustong mangyari ito?

I’m sure sa panig ng mga empleyado na nangangailangan ng regular na sahod, malaking kawalan sa kanila ang hindi sila makasuweldo sa tamang oras.

Lalo ngayong panahon ng pandemic, masyadong malaki ang pangangailangan ng bawat isa, lalo kung may nagkakasakit pa.

Sa totoo lang, walang problema sa panig ng ibang hepe riyan sa BI na pumipirma ng clearances ng mga empleyado, maliban sa isang opisyal na ‘pabebe’ o hepe na kilala since time immemorial sa pagiging maldita ‘este’ maldito.

Ayy, ano ba siya talaga?!

Kilala na raw talaga sa pagiging “bully” mula pa noong napasok sa BI.

Pusang gala!

Kung ano-ano raw ang hinahanap nitong mga dokumento, hindi dahil sa kailangan niya kundi para makapambuwisit lang!

Wattafak!

Actually, halos isang dangkal na raw ang taas ng mga naka-pending na clearances sa opisina ng nasabing BI official.

Obsessed ba siya sa clearances ng mga empleyado?! Kakaiba kang talaga ha!

Nakapagtataka, lagi siyang itong wala sa kanyang opisina, at balita na dinadala sa kanyang bahay ang mga dokumentong kanyang pipirmahan, pero bakit ganoon? Ang kapal pa rin ng mga dokumentong kailangan ng kanyang pirma?

Nakupo Inang!

Kawawa ang mga nag-apply sa totoo lang!

E kasi nga raw balita na malakas sumepsep kay DOJ Secretary Medardo Guevarra ‘yan kaya tumaas na naman ang panty ‘este’ ang ere sa ulo?!

Sus ginoo!

E ‘di ba nga nangangarap pa siyang sungkitin ang puwesto ni Commissioner Morente!

Naku ha!

If I know, e certified ‘DILAWAN’ ‘yan, noon pa!

Kahit itanong pa kay Senator Leila de Lima!

Papayag kaya si Tatay Digong na maupo siya, e isa siya sa mga basher ng Pangulo at ni hindi nga siya ibinoto nitong si ‘alyas Sireyna!’

Imagine, hindi nga nagre-report sa Bureau ang hitad dahil naka-WFH tapos may gana pang magpahirap?!

Kapalmuks naman!

Hinaing nga ng mga empleyado, dapat bigyang pansin ito ng tatlong commissioners dahil posibleng paglamyerdahan ng korupsiyon sa BI ang ganitong sistema ng ‘pang-iipit’ ng clearances o pagpapabagal ng proseso, kung ganyang klase ang hepe, na sobrang magpahirap sa mga empleyado!

Natural kung gigipitin nga naman sila at mahihirapang makakuha ng suweldo e ‘di lalong gagawa ng kalokohan ang mga ‘yan.

By the way, Commissioner Morente, paki-imbestigahan din ang kanyang dalawang staff na kilala sa tawag na B1 at B2, itinuturong kasabwat sa pang-iipit ng clearances diyan sa opisina ng tinutukoy nating hepe.

Masyado rin daw ang pagkamaldita ng dalawang staff.

Bakit hindi sila ibalik sa ‘training,’ kung saan eksperto ang kanilang hepe?!

Kunwari pa raw na ini-entertain nitong si B1 and B2 ang empleyado kapag pumasok sa opisina nila pero pagkatapos ay itetengga ang mga papeles ng mga nag-file, at ang masaklap ay nawawala pa!

Sonabagan!

Mga bossing, pakibusisi nga po ang problemang ito bago pa man kayo maunahan ng Office of the Ombudsman.

        Paalalang urgent po ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Hataw Tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *