Thursday , December 26 2024

Iriga lady mayor inasunto ng PNP sa ayuda ‘scam’

SINAMPAHAN ng Philippine National  Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman si Iriga City Mayor Madelaine Y. Alfelor-Gazmen sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1) dahil sa ilegal na pamamahagi ng ayuda sa Social Amelioration Program (SAP) sa mga di-kalipikadong benepi­saryo.

Kabilang sa mga ire­gu­laridad sa pamama­hagi ng SAP grants ni Alfelor, ang pagbibigay niya ng tig P5,000 cash SAP grants sa mga empleyado ng University of Northeastern Philippines (UNEP), sinabing pag-aari ng kanyang pamilya. 

Gayondin ang pama­mahagi ng cash grants ni Alfelor sa mga kaibigan at kamag-anak na napatunayang, mga may kaya at hindi mga kapos-palad na nararapat makatanggap ng ayuda dahil sa matinding dagok sa kanilang kabuhayan ng pandemya.

Sa pagdinig noong nakalipas na taon ng House committee on good government, inamin mismo nina Dory Carag, Criste Olaso Reynes, at  Deocyl Monte Maninang na mismong si Mayor Alfelor ang nagbigay sa kanila ng SAP grant, at sinabihan ang isa sa kanila na isekreto ang pag-abot sa kanila ni mayor ng ayuda.

Sa nasabing pagdinig, napag-alaman din na sina Marcela Alfelor, Irenea Badiola, at Juanita Esplana ay nakatanggap din ng SAP ayuda na tig-P5000 gayong hindi naman sila nakatira sa Iriga City.

Si Sta. Elena Punong Barangay Rodolfo Pung­tan naman ay sumulat mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte para ireklamo ang pagtanggal ni Alfelor ng mga barangay officials sa listahan ng mga mamahagi ng Social Amelioration Cards (SACs)  dahil katunggali sila ng alkalde sa politika. Kailangan ang SACs para makakuha ng SAP ayuda. 

Ang kasong ito ng PNP-CIDG sa ayuda scam ay isa sa mga patong-patong na kasong isinampa laban kay Alfelor at iba pa niyang kasamahan.

Sa kabuuan ay may 16 kasong administratibo, criminal, at sibil si Alfelor na nakasampa ngayon sa Ombudsman at Regional Trial Court (RTC) – Iriga.

Sa kabila ng kasong ito at 15 reklamong kriminal at administratibo na kinakaharap ni Alfelor, nagtataka ang mga taga-Camarines Sur kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nasususpende ang alkalde, lalo pa nga’t mismong ang Pangulong Duterte na ang nagpa­hayag na ayaw niya ng kahit anong klaseng kurop­siyon sa pama­mahagi ng SAP.

Sinabi ni Pangulong Duterte na nararapat suspendehin ang mga opisyal na masasangkot sa ayuda scam habang iniimbestigahan ang mga kaso laban sa kanila.

Bukod sa reklamo ng PNP-CIDG, may administrative complaint rin laban kay Alfelor kaugnay ng pag-utang nito ng P275 milyon sa Land Bank of the Philippines (Landbank) para magpagawa ng isang magarbong amusement park sa panahon ng pandemya gayong wala namang makikinabang dito dahil   mahigpit na ipinagbabawal ang pamamasyal dahil sa CoVid-19.

Si Alfelor ay naha­harap din sa magka­hiwalay na kasong malversation at graft dahil sa unliquidated cash advances na P32.84 milyon at P27.89 milyon; sa pagbili ng seedlings na nagkakahalaga ng P13.51 milyon na hindi dumaan sa public bidding, at sa mga undocumented procurement transactions na umabot sa P17.25 milyon.

Dagdag sa mga kaso ni Alfelor, ang malversation at graft case na isinampa sa kaniya dahil sa pagbibigay ng scholarship fund sa halagang P2.78 milyon para lamang sa nag-iisang benipisaryo; ang P14.19 milyong unsupported/undocumented cash advances na napunta sa mga contractor; at  pag­pirma sa isang memo­randum of agreement (MOA).

Isinangkalan umano ng alkalde ang pamaha­laang lungsod ng Iriga para magbayad ng P800,000 participation fee, at P50,000 bond sa isang national basketball league na walang pahin­tulot ng Sangguniang Panglungsod.

Nabisto rin ang hindi niya pagbibigay ng karampatang bahagi ng barangay San Antonio at barangay La Medalla sa real property tax collection ng lungsod at pag-a-appoint sa mga di-kalipikadong empleyado ng pamahalaang pang­lungsod kaya’t lalo pang nadagdagan ang mga patong-patong niyang kaso sa Ombudsman.

 (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *