Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Dominic Roque
Bea Alonzo Dominic Roque

Bea at Dominic magsyota na (kahit walang pag-amin)

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG hindi pa kayo naniniwalang magsyota na nga sina Bea Alonzo at Dominic Roque, aba eh baka nakatulog na kayo sa pansitan. Hindi lang ipinakikilala na ni Dominic sa kanyang pamilya si Bea bilang syota niya, mukhang ipinakikita na rin nila iyon sa publiko, bagama’t wala pang opisyal na pag-amin.

Iyon lamang magkasama sila sa ilang buwan din namang bakasyon sa US, na silang dalawa lamang, bago raw sumabak sa trabaho si Bea matapos na lumipat sa GMA 7, aba eh pag-isipan na ninyo. Ngayon iyon ding lumalabas nilang pictures, kundi magkayakap, magka-holding hnds naman. Kuha iyon ng fans at akala nga siguro nila souvenir lang naman iyon. Parang hindi nila alam na sa ngayon ang mga picture na iyon ay ipino-post na rin ng fans sa internet, kaya nagiging open na sa publiko.

Siguro rin, ikinukondisyon na nila ang isipan ng publiko.

Sa ngayon hindi naman mabibigla iyan dahil natural na si Bea, na babayaran nila nang nakapalaking talent fee at tiyak na itatambal muna nila sa malalaking male stars. Ang una ngang planong makatambal niya ay sina Alden Richards at John Lloyd Cruz.

Pero tandaan ninyo, bagama’t Kapamilya pa rin si Dominic, pinakawalan na sila sa kanilang kontrata noong hindi makakuha ng franchise ang ABS-CBN. Hindi naman sinabing pumirma siya ulit sa Star Magic. Malamang kung magtatagal nga, maaaring lumabas na rin siya sa GMA para makasama niya ang syota niyang si Bea.

Sana nga para maging kapaki-pakinabang naman ang kanilang love affair.

Pero huwag na kayong magduda. Kami nawala na ang lahat ng aming pagdududa na magsyota nga sila matapos  makita ang lahat ng mga lumabas na pictures at video na kuha habang nagbabakasyon sila. Sana lang maging wise si Bea. Baka kung kailan babangong muli ang kanyang career matapos ang mahabang bakasyon dahil sa pandemic ay
 magaya kay Kylie Padilla. Kung kailan may ginagawa nang serye at saka nabombo. Balik bakasyon na naman siya kung mangyayari iyon, at baka kung bago siya makabalik na muli ay may mangyari ngang ganoon, tiyak bago siya makaballik ulit mayroon nang tinatawag na bagong movie queen. Mahirap talagang pagsabayin ang career at ang lovelife.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …