Wednesday , December 25 2024

42 sundalo, 3 sibilyan patay sa Sulu (PAF C-130H 5125 nag-overshoot?)

HATAW News Team

UMABOT sa 45 katao ang namatay sa C-130H 5125 ng Philippine Air Force na pinaniniwalaang sumablay sa paglapag sa lalawigan ng Sulu nitong Linggo ng umaga, 4 Hulyo.

Ang nasabing military plane ay may sakay na 92 katao, 42 ay mga sundalo, at tatlo ay mga sibilyan, habang patuloy pang pinag­hahanap ang limang sundalong nawawala.

Samantala, naitalang sugatan ang 49 sundalong kabilang sa mga pasahero ng C-130 plane at apat na sibilyan sa lugar na pinagbagsakan nito.

Ayon sa Department of National Defense, 32 ang dinala sa Zamboanga habang 17 ang nilala­patan ng lunas sa paga­mutan ng 11th Infantry Division.

Patuloy rin ang pagsasagawa ng rescue and retrieval operations sa pagbagsak ng eroplanong may sakay na 92 katao, ayon kay DND Secretary Delfin Lorenza­na.

Pahayag ni Col. Edgard Arevalo, walang indikasyon ng anomang pag-atake ngunit iimbestigahan pa rin ang insidente matapos ang rescue operation.

Ayon kay Maj. Gen. William Gonzales, palapag na ang Lockheed C-130 Hercules military plane sa isla ng Jolo nang mag-overshoot dakong 11:30 am kahapon.

Napag-alamang kara­­mihan sa mga pasahero ng eroplanong pangmilitar ay mga bagong graduate ng basic military training at katatalaga pa lamang sa isla bilang bahagi ng joint task force kontra terorismo sa rehiyon.

Ginagamit ang C-130 aircraft sa pagbibiyahe ng mga tropa ng militar at kanilang mga kagamitan, pati sa paghahatid ng humanitarian assistance at disaster relief.

Bago ang insidente, bumagsak ang isang Black Hawk helicopter noong 23 Hunyo sa gitna ng night-time training flight, na kumitil sa buhay ng anim nitong sakay, pawing sundalo.

Bumili ang pamaha­laan ng 16 multi-role aircraft mula sa isang Polish firm sa ilalim ng Sikorsky division ng US defense manufacturer Lockheed Martin. Labing-isa rito ang naipasok na sa bansa noong huling bahagi ng 2020.

Ang hinihinalang nag-overshoot na C-130 aircraft ay isang refurbished unit na dinala sa bansa noong Enero 2021.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *