Friday , November 15 2024

Pahirap sa bayan dapat isama sa ‘listahan’ ni Sen. Manny Pacquiao

BUKOD sa pandemyang nararansan sa buong mundo ngayon, wala nang dadaig pa sa mga opisyal ng gobyerno sa ating bansa na walang alam gawin kundi pahirapan ang sambayanan.

Ang isang appointed o elected official, supposedly ay dapat na tumulong sa pagpapagaan ng buhay ng mga mamamayan.

Not in the Philippines.

Dito sa ating bansang mahal — isa sa mga ahensiyang na nagpapahirap sa mamamayan lalo sa mga motorista  ang Land Transportation Office (LTO).

Sa titulo pa lang ng ahensiya, alam na natin na ang pangunahing tungkulin nito ay mangasiwa sa transportasyon — sa pribado at publikong transportasyon.

            Ang pangunahing namumuno rito ay si Assistant Secretary Edgar Galvante.

            At sa aking matapat na opinyon, si LTO chief Galvante, kahit saang ahensiya mapadpad ay walang napapala ang sambayanan.

            Paging, Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao, puwede bang isama na ninyo sa listahan ninyo ng mga tiwaling ahensiya itong LTO?

            Hanggang sa kasalukuyan, mayroon pang 18 milyong backlog sa plaka ng mga motorsiklo ang LTO. At kailangan umano nila ng P2.5 bilyones para mapunuan ang backlog na ‘yan.

            At ang pondong ‘yan ay hinihingi nila sa pambansang pamahalaan, upang matugunan ang 18 milyong plakang kakulangan ng LTO.

            Ang backlog na ‘yan ay noon pang 2017. Ayon mismo kay LTO chief Galvante, sa bilang na ‘yan uunahin umano nila ‘yung mga hindi pa nabibigyan noong 2017.

            So, ibig sabihin, mayroon pa silang backlogs na 2018, 2019, 2020, at 2021?!

            Wattafak!

            Inamin mismo ni Galvante, ‘yung 10 milyones na kakulangan sa plaka ay ipagagawa sa ibang suppliers; at ang 8 milyong plaka, kabilang ang inirehistro noong 2018 ay bubunuin ng sariling manufacturing plant ng LTO.

            Isinisi ng LTO ang backlogs sa mga plaka ng mga motorsiklo sa pagkakabalam ng instalasyon ng robotic equipment dahil sa coronavirus disease (CoVid-19) pandemic.

            Hindi raw nakarating ang mga engineer mula sa Germany at Netherlands dahil nga sa pandemya kaya nagkahetot-hetot ang mga plaka ng mga motorsiklo.

            Tell that to the Marines!

            E 2017 pa nga ang backlogs ninyo ‘di ba?! Bakit biglang nadamay ang pandemyang kagagawan ng CoVid-19?

            Nakahanap lang kayo ng alibi!

Para namang may bago sa mga alibi nitong si Galvante. E since time immemorial, sa ganyan kayo magaling, humanap ng alibi, para huwag mabusisi ang mga kapalpakan at sandamakmak na iregularidad sa ahensiya ninyo.

            E paano ‘yan? Hindi lang naman motorsiko ang uri ng sasakyan sa Filipinas, paano na ‘yung backlogs sa mga sasakyang may apat na gulong? At ‘yung mga darating pang bagong aplikante?! Nadaganan na lang kayo ng mga kapalpakan at katamaran ninyo, e nagagawa pa ninyong gamitin ang CoVod-19 bilang dahilan?!

            Ang tindi naman ng semento at aspalto sa mga pagmumukha ninyo. Para kayong mga naka-botox injection sa mukha, walang kurap ang mga mata kung magsinungaling!

            Kaya please lang Senator Pacquiao, isama na ninyo sa Office of the President (Intelligence Funds), Department of Health (vaccines), PhilHealth (P15-B), Philippine National Police (Body Cam), PHISCOG (Goldem Caldero, MTD, Berhad behest loan),  Department of National Defense, NRF-ELCAC (fake rebel returnees), DENR (Dolomite beach & Kaliwa Dam), Bureau of Immigration (Pastillas Operandi), PAGCOR (POGOs Chinese illegal workers), Department of Tourism (Tulfo’s P60-M); Bureau of Customs (shabu shipment), PCSO (huge incentives of directors), at Bureau of Corrections (BuCor), itong LTO para busisiin ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Hataw Tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *