Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rabiya umamin kay Boy: may pinagdaraanan sila ng BF

FINALLY, umamin na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na may pinagdaraanan sila ngayon ng boyfriend niyang si Neil Salvacion.

Sa panayam ni Rabiya kay Boy Abunda nitong Linggo, diretsong natanong ang ating beauty queen kung sila pa ba ng boyfriend niyang si Neil.

“Tito Boy, it’s a complicated situation and we need to talk about things when I go back to the Philippines, but we’re friends and I still contact him but we need to have space together as of the moment.

“But I’m not closing any doors. We’ve been in this kind of situation before, we’ve been together for seven years, who knows po,” pagtatapat ni Rabiya.

Tinanong din ni kuya Boy kung ano ang real score nina Rabiya at Andre Brouilette.

“Tito Boy nahihiya ako kay Andre it’s because ‘yung photos na kumalat that was the third time that I was able to talk to him.

“The first one was before the send off to Miss Universe and the second one was during the competition and that was the third time na sinundo lang nila ako sa airport and he’s a nice guy,” paliwanag mabuti ng dalaga.

At sa mga hindi pa nakaaalam, si Jonas Gaffud ang manager ni Andre na manager din ngayon ni Rabiya lalo’t papasukin nito ang showbiz.

Inamin din ni Rabiya na mananatili muna siya sa Amerika ng ilang buwan.

“Tito Boy ang hirap po kasi bumalik sa Pilipinas kasi you’re gonna be isolated so it’s my favor also to the organization if I can stay a little bit longer kasi this is my first time to be outside of the country, I really want to make memories, really want to meet people and also I’m planning to look for my dad (nasa Chicago),” pahayag ni Miss Universe Philippines.

Gumawa na ng research at may mga contact numbers na raw si Rabiya kung paano matatagpuan ang ama.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …