Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja absent sa pagpirma ni Lloydie sa Shopee

BAKIT wala si Maja Salvador bilang bagong manager ni John Lloyd Cruz o representante ng Crown Artist Management sa ginanap na pagpirma ng kontrata ng aktor para sa big night ng Shopee online na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Hunyo 6?

Si Willie Revillame ang main endorser ng Shopee Philippines at sa nasabing pirmahan ay kasama niya ang abogado, Marketing Manager ng Shopee. at si John Lloyd.

Kuwento ni Willie sa panayam niya sa PEP, ”he’s signing a contract to be part of the 6-6 Shopee Mega Fiesta show to be shown in GMA 7.  He’s signing the contract para mag-guest sa amin this Sunday, June 6 sa Araneta Coliseum and more to come.”

Pagkatapos magpirmahan ay nagkamay sina JLC at Willie at sabay sabi ng huli, ”welcome to my production and to Shopee of course ha, haha.”

Positibo ang feedback sa pagpirma ng aktor sa Shopee na mapapanood sa GMA at sana nga raw ay magtuloy-tuloy na siyang gumawa ng series sa Kapuso Network.

Going back to John Lloyd, baka per project ang usapan nila ng Crown Artist Management na ibig sabihin puwedeng dumiretso sa kanya ang kliyente lalo na kung kaibigan niya ito tulad ni Willie.

Abangan ang mga susunod na plano ni Willie para kay Lloydie.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …