Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fan made video ng Pepito Manaloto patok

UMANI na ng libo-libong likes sa Facebook ang fan-made video ng award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto. 

Patok sa netizens at anime fans ang obra ni Jose Antonio Santos na ginawan ng animation at Japanese version ang nakaka-LSS na theme song ng programa.

Biro ng isang netizen, ”Pepito Manaloto is my favorite slice of life anime.”

Patunay lang ito na sa loob ng isang dekadang paghahatid ng mga nakatutuwang kuwento ng Pepito Manaloto, nananatili pa rin itong paborito ng viewers.

Ang sitcom ay tungkol sa buhay nina Pepito (Michael V.) at asawa niyang si Elsa (Manilyn Reynes) na nabago ang buhay nang tumama si Pepito ng jackpot prize sa lotto.

Bukod kina Michael V. at Manilyn, kabilang din sa cast sina John Feir, Jake Vargas, Angel Satsumi, Arthur Solinap, Mosang, Janna Dominguez, Jessa Zaragoza, Ronnie Henares, at Nova Villa.

Panoorin lagi ang nakaaaliw na adventures ni Pepito at ng Manaloto family, tuwing Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA. 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …