Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P17-M utang ‘isinisi’ ng trader sa Pasig LGU (Grupo ng magsasaka hindi mabayaran)

ISANG grupo ng mag­sasaka ang nagpasaklolo sa programang Tutok  Erwin Tulfo dahil anim na buwan nang delay ang bayad sa kanila ng isang kompanya na aabot sa P17 milyon.

Pasko noong naka­raang taon nang kuning supplier ng Trenchant Trading, nanalo sa bidding sa lokal na pamahalaan ng Pasig, ang Nagkakaisang Mag­sasaka Agriculture para mag-supply ng pamas­kong handog sa mga residente ng nabanggit na lungsod.

Aabot umano sa mahigit P200 milyon ang kontrata ng Trenchant para sa proyekto pero hanggang ngayon umano ay kulang pa ng P45 milyon ang Pasig City at P17 milyon doon ay pambayad sa grupo ng magsasaka.

“Kailangan na po namin ng puhunan. Siyempre ma’am ano second crafting. Paano naman po ang pang­puhunan ng mga binhi na ‘to  kung halos ilang milyon hindi nababayan. Mabilis naming naibigay ang pangangailangan nila para maayos lahat,” ayon kay Maya Dela Paz, isa sa mga nagrereklamo.

Ipinasa ng ‘Trenchant’ ang sisi sa lokal na pamahalaan ng Pasig dahil may utang pa ito sa kanila kaya hindi nila mabayaran ang grupo ng magsasaka.

Ayon kay Atty. Geronimo Manzanero, inihahanda na raw nila ang bayad sa naturang halaga. Na-delay umano ang bayad sa Trenchant dahil may tinitingnan silang ulat na substandard ang mga produkto.

Sa ipinalabas na video ng grupo ng mga magsasaka, iginiit nila na mismong si Mayor Sotto umano ang nagmamalaki sa mga produktong ipinamahagi sa mga residente. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …