Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Community pantry sa Cagayan de Oro nagsara (Organizer na-red tag)

PANSAMANTALANG itinigil ang operasyon ng isang community pantry sa lungsod ng Cagayan de Oro, lalawigan ng Misamis Orienral, nitong Miyerko­les, 21 Abril, matapos maakusahan ang organizer na may kaug­nayan sa mga komunis­tang grupo.

Inianunsiyo sa Facebook ng Kauswagan Community Pantry, na matatagpuan sa Pasil-Bonbon Road, na pansamantalang isasara ito matapos ang dalawang araw na pagsisilbi sa mga nagugutom na mga residente.

“Unfortunately, due to some red-tagging and harassment incidents, we are closing our pantry indefinitely. The remaining funds will be reallocated to other Community Pantry initiatives,” nakasaad sa Facebook post.

Samantala, nanawa­gan ang UP College of Science sa pamunuan ng paman­tasan na suporta­han ang faculty member nitong si Rene Principe, na nagsimula ng community pantry sa Cagayan de Oro.

“Red-tagging is malicious, extremely dangerous, and runs counter to the spirit of bayanihan, which the community pantry exemplifies… We call on the UP administration to extend their support to Rene and protect University constituents amidst the challenges of the pandemic. We call on all peace-loving Filipinos to reject these baseless accusations and continue to give what they can in order to help those who are in need,” bahagi ng pahayag ng kolehiyo sa kanilang Facebook page.

Gaya ng iba, inspira­syon ng Kauswagan Community Pantry ang kauna-unahang mutual aid initiative sa Maginha­wa St., Brgy. UP Village, sa lungsod Quezon, na tumigil din ng operasyon noong Martes, 20 Abril, dahil sa red-tagging ng pulisya sa organizer nitong si Anna Patricia Non.

Muling nagbukas ang Maginhawa Community Pantry kamakalawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …