Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM Guzman: With love, I will be a better person

MYSTERIOUS but very meaningful ‘yung pahayag ni JM de Guzman kamakailan tungkol sa “love.”

Aniya: ”Naniniwala ako sa Diyos, kay Jesus, at sa pamamaraan ng pag-ibig to change the world. 

“It’s a powerful thing. It can hurt you, it can kill you. 

“It can make you better. It can make you into someone na ‘di mo aakalain magiging ikaw. Ganun s’ya ka powerful.”

Ginawa ni JM ang pahayag na ‘yan ilang araw pagkalipas ng biro (prank) nila ni Arci Munoz na mag-sweetheart na sila.

Mahiwaga ang pahayag na ‘yon dahil wala naman ngang napapabalitang may naging girlfriend n’ya pagkatapos ng naunsyaming relasyon nila ni Barbie Imperial noong 2018. Mahiwaga ang naging ending ng relasyon nila. Natapos ito nang parang walang closure at walang malinaw na dahilan kung bakit parang bigla silang naghiwalay na lang.

Parang nagkaroon din ng naunsyaming relasyon sina JM at Ria Atayde.

Si Barbie ang kasalukuyang girlfriend ni Diego Loyzaga na umaangat na ang acting career sa panahong ito. Bidang-bida sila ni AJ Raval sa malapit nang ipalabas na pelikulang Death of a Girlfriend.

Very meaningful ang pahayag ni JM dahil ‘di naman limitado sa romansa ang sakop ng “love”. May tinatawag ding “agape” na pagmamahal sa kapwatao, kaya “altruistic love” rin ang tawag dito.

Dahil wala ngang napapabalitang may girlfriend si JM kaya posibleng ang “love” n’ya ngayon ay ang mga kapwa n’ya Filipino. Kailangan ng mga Pinoy ngayong panahon ng pandemya ang ganoong klaseng pagmamahal.

Pero baka may silbi rin nga na magkaroon ng romantic love si JM sa panahong ito. Mag-33 years old na pala si JM sa taong ito. Sa lumang kalakaran ng buhay sa Pilipinas, “matandang binata” na si JM.

Pero ang guwapo n’yang aktor at mahilig sa sports and physical fitness, kaya ‘di naman siya mukhang matanda.

Si JM ang katrayanggulo nina Gerald Anderson at Yam Concepcion sa bagong ABS-CBN serye na Init sa Magdamag.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …