TULAD nang inaasahan, nakopo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang top 1 rating sa pinakabagong survey sa ginawa ng Publicus Asia.
Naitala ni Digong ang 64.8% approval rating at 55.1% trust rating sa 20-19 Marso 2021 online survey na nilahukan ng 1,500 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa kabilang dako, nasa huling puwesto sa parehong approval at trust rating survey sa limang matataas na opisyal ng gobyerno si House Speaker Allan Lord Velasco.
Naungusan ang leader ng kamara ng trust at approval rating ng Supreme Court Justice na karaniwang nahuhuli sa mga survey.
Batay sa official Facebook page ng Publicus Asia, si Velasco ay nakakuha ng 25.4% approval rating at 14.5% trust rating survey ng Publicus Asia pumangalawa kay Duterte si Senate President Tito Sotto na nakakuha ng 40.9% approval rating, pangatlo si VP Robredo na may 29.1%, at sinundan ni Supreme Court Justice Diosdado Peralta na nakakuha ng 28.4% approval rating samantala nasa huling puwesto ng naturang survey si Velasco.
Pumangalawa din kay Duterte si SP Sotto sa trust rating survey na nakakuha ng 24.6%, sinundan ulit ni Robredo na may 18.6%, Retired Chief Justice Peralta na nakakuha ng 15%, samantala nasa huling pwesto ulit ng naturang trust rating survey si Speaker Velasco.
Ang naturang survey ay ginawa ng Publicus Asia sa gitna ng pandemyang hinaharap ng bansa. Siyam na modules ang ginawa ng naturang lobbying at campaigns management firm sa pagsasagawa ng naturang survey kabilang ang estado ng ekonomiya ng bansa, CoVid-19 vaccine prioritization, national issue kasama na ang tungkol sa trabaho at CoVid-19 at scorecard ng mga senador, mga pambansang opisyal, at institusyon ng gobyerno.
Lumabas sa naturang survey na pare-parehong nabawasan ang total approval rating ng pangulo, SP Sotto, Robredo at Velasco, samantala tumaas ang total disapproval rating ng lahat.
Nakasaad din sa survey ng Publicus Asia na nabawasan ang total high trust rating ni Duterte, Robredo, Sotto, at Velasco samantala tumaas ang kani-kanilang low trust rating, tanging si Retired Chief Justice Peralta ang nakapagtala ng pagtaas ng parehong approval at trust rating at pagbaba ng low total trust rating score sa parehong approval at trust rating survey.
Matatandaang noong 3-9 Disyembre 2020 survey na ginawa ng Publicus Asia, 69.8% ang nakuha ni Duterte sa approval ratin, 49.9 % ang kay Sotto, 34.6 % ang nakuha ni Robredo, 30.7% ang kay Peralta, at 29.7% naman ang nakuha ni Velasco.
Sa trust rating survey sa parehong panahon, si Duterte ay mayroong 62.3% rating, si Sotto ay may 30%, Robredo 23%, Peralta 18.5% samantala 18.1% naman ang nakuha ni Velasco.