Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Covid-19 Kamara Congress Money

‘10K Ayuda Bill’ ipasa

KINULIT ni dating Speaker Alan Peter Caye­tano ang Kongreso para ipasa ang ‘10K Ayuda Bill,’ gaya ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, at ng dalawang local government units (LGUs), na hinihiling sa gobyerno na magbigay ng karag­dagang ayuda sa mga mamamayan na grabeng naapektohan ng pan­demya dulot ng CoVid-19..

Inihain nina Cayetano, Taguig Rep. Lani Cayetano, at kanilang mga alyado sa House of Representatives noong 1 Pebrero, ang ‘10K Ayuda Bill’ na umano’y magka­kaloob sa bawat pamilyang Pinoy ng P10,000 o P1,500 sa bawat miembro ng pamilya.

Gagamitin nila ito sa pang-araw-araw na pangangailangan o para makapagsimula ng kanilang sariling negosyo habang ang bansa ay naghihintay ng pangkalahatang roll-out ng CoVid-19 vaccination program.

Pero ang panukala ay hindi tinalakay ng Kongreso at tinutulugan umano sa  Committee on Social Services na pinamumunuan ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas.

Sa isang statement nitong Miyerkoles, 24 Marso, hinikayat ni Go si Presidente Rodrigo Duterte at ang concerned national government agencies na magbigay ng karagdagang ayuda sa mahihirap na pamilyang Filipino sa pamamagitan ng expanded Social Amelioration Program (ESAP).

Ani Go, kailangan tulungan ng ahensiya ng gobyerno  ang mahihirap na Pinoy para malag­pasan ang paghihirap sanhi ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19.

Ayon kay Go, kailangan magtulungan ang gobyerno para mapunuan ang pangangailangan ng mga pamilyang Filipino na apektado ng  patuloy na paglala ng pandemya, at pagtaas ng mga kaso ng CoVid-19.

Natuwa si Cayetano sa naging statement ni Go na “very significant” dahil ang senador ang ‘eyes and ears’ ng Presidente.

“Sana makiramdam ang Congress and we convert into a Committee on the Whole or in any way that we can, kung kailangang humingi ng special session, para ipasa ‘to. Ginawa natin noong Bayanihan 1 ‘yan, ginawa natin noong Bayanihan 2, there’s no reason why we can’t do it again,” ani Cayetano sa inagurasyon ng bagong isolation facility sa Pateros.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …