Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyong Maris at Rico ‘di na nakagugulat

MADALING paniwalaan na mag-jowa na sina Maris Racal at Rico Blanco kahit malaki ang agwat ng mga edad nila: 48 years old si Rico at 23 pa lang ang ex-girlfriend ni Ynigo Pascual (na anak ni Piolo Pascual). Twenty-five years ang tanda ni Rico kay Maris.

Naging girlfriend ng singer-composer-record producer si KC Concepcion noong 18 years old pa lang si KC at halos magti-30 years old na si Rico.

Dahil nakipagrelasyon na si Rico sa isang 18 years old, ‘di na nakagugulat na nakikipagrelasyon siya uli sa isang kasingbata ni Maris.

Ang shocking ay ang pagkakagusto ni Maris sa isang lalaking pwede na n’yang maging ama sa edad. May nag-comment na nga na baka naghahanap ng father figure si Maris bagama’t buhay naman ang ama nito at wala namang balitang hiwalay ito sa pamilya ni Maris.

Ayon sa WikipediaHenry Racal ang pangalan ng ama ni Maris at taga-Davao ang pamilya nila. Parang kaya napadpad sa Metro Manila si Maris ay para mag-college.

Hindi mahiyaing tao si Maris. Nasa elementary pa lang yata siya ay kumakanta na siya sa harap ng madla, dahil very musical ang pamilya n’ya.

At parang aggressive rin nga siya. Ayon sa netizens na nagrepaso ng social media posts niya na may kaugnayan kay Rico, noong 2017  pa lang ay nagparamdam na siya bilang fan girl ng sikat na music man. Nasa showbiz na si Maris niyon. Noong 2015 pa siya naging ABS-CBN talent dahil nagwagi siyang second place sa Pinoy Big Brother All In.

Ang tsika n’ya noong 2017 sa isang post n’ya: ‘Hay, when will I hear Rico Blanco sing live?”

Mga dalawang beses siyang nagparamdam ng paghanga kay Rico. Sa paglaon, nag-react naman positively.

Noong December 2018, nag-collaborate sila sa isang kanta na ang naging titulo eventually ay Abot-Langit. Mula noon ay naging close na sila at mukhang naging lihim na mag-jowa. Kailangang ilihim nila dahil contract star si Maris ng ABS-CBN at itinuturing na young star. At ang mga young star ay mas mabuting ma-link romantically sa kapwa artista nilang halos kaedad nila.

At nakadududa na mauuwi sa kasalan kung totoo mang may relasyon sina Rico at Maris. Wala pang napabalitang pinakasalan si Rico.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …