Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaira sa pagpapakasal: gusto ko sigurado, ayaw kong pabigla-bigla

SIMULA ngayong Lunes (March 22), mapapanood na ang first installment ng ikalawang season ng groundbreaking drama series ng GMA Network na I Can See You: On My Way To You na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz. 

Kuwento ito ng isang runaway bride na si Raki (Shaira) na pansamantalang titira sa isang mountain lodge at makikilala niya si Jerrick (Ruru), isang misteryosong lalaki na iniwan naman ng kanyang bride.

At dahil runaway bride ang theme ng kanilang episode, ibinahagi nina Ruru at Shaira ang kanilang opinyon pagdating sa pagse-settle down.

Ani Shaira, ”Para sa akin, ‘yung marriage sobrang sacred. Sobrang inu-honor ko ito at marami akong goal bago ako pumasok sa ganoon. Gusto ko siguradong-sigurado ako and ayoko ‘yung pabigla-bigla.”

Para naman kay Ruru, nais niya rin munang maabot ang kanyang goals sa buhay bago pasukin ang buhay may asawa. ”Like ako, napaka-goal-oriented ko na tao, napa­karami ko pang gustong ma-achieve sa life, napakarami ko pang gustong matulungan sa buhay.”

Abangan ang rason kung bakit nga ba tinakbuhan ni Raki ang kanyang groom sa first episode ng second season ng I Can See You: On My Way To You ngayong Lunes, pagkatapos ng First Yaya, sa GMA-7.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …